1 Mga Taga-Tesalonica 4:13-18
1 Mga Taga-Tesalonica 4:13-18 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Mga kapatid, nais naming malaman ninyo ang katotohanan tungkol sa mga namatay na upang hindi kayo magdalamhati tulad ng mga taong walang pag-asa. Dahil naniniwala tayong si Jesus ay namatay at muling nabuhay, naniniwala din tayong bubuhayin ng Diyos ang lahat ng namatay na sumasampalataya kay Jesus upang isama sa kanya. Ito ang katuruan ng Panginoon na sinasabi namin sa inyo: tayong mga nabubuhay pa, tayong mga natitira pa hanggang sa pagparito ng Panginoon, ay hindi mauuna sa mga namatay na. Sa araw na iyon kasabay ng malakas na utos, ng tinig ng arkanghel, at ng tunog ng trumpeta ng Diyos, bababâ ang Panginoon mula sa langit. Ang mga namatay na sumasampalataya kay Cristo ay bubuhayin muna. Pagkatapos, tayo namang mga buháy pa at natitira ay titipunin sa alapaap kasama ng mga binuhay upang salubungin ang Panginoon sa himpapawid. Sa gayon, makakapiling natin siya magpakailanman. Kaya nga, palakasin ninyo ang loob ng bawat isa sa pamamagitan ng mga aral na ito.
1 Mga Taga-Tesalonica 4:13-18 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Mga kapatid, gusto naming malaman ninyo kung ano ang mangyayari sa mga namatay na, nang sa gayoʼy hindi kayo magdalamhati gaya ng iba na walang pag-asa. Naniniwala tayong si Hesus ay namatay at muling nabuhay. Kaya naman nakakatiyak tayo na muling bubuhayin ng Diyos ang mga namatay na sumasampalataya kay Hesus at isasama niya sila kay Hesus sa kanyang pagbabalik. Sinasabi namin sa inyo ang mismong turo ng Panginoon: Tayong mga buháy pa pagbalik ng Panginoon ay hindi mauuna sa mga namatay na. Sapagkat sa araw na iyon, maririnig ang pagtawag ng punong anghel at ang pagtunog ng trumpeta ng Diyos, at ang Panginoon mismo ang bababa mula sa langit na may sigaw na utos. Ang mga namatay na sumasampalataya kay Kristo ang unang bubuhayin; pagkatapos, ang mga buháy pa sa atin sa araw na iyon ay kasama nilang dadalhin sa mga ulap upang salubungin ang Panginoon sa himpapawid. At makakasama na natin ang Panginoon magpakailanman. Kaya pasiglahin ninyo ang isaʼt isa sa pamamagitan ng mga aral na ito.
1 Mga Taga-Tesalonica 4:13-18 Ang Biblia (TLAB)
Nguni't hindi namin ibig na kayo'y di makaalam, mga kapatid, tungkol sa nangatutulog; upang kayo'y huwag mangalumbay, na gaya ng mga iba, na walang pagasa. Sapagka't kung tayo'y nagsisisampalatayang si Jesus ay namatay at nabuhay na maguli, ay gayon din naman ang nangatutulog kay Jesus ay dadalhin ng Dios na kasama niya. Sapagka't ito'y sinasabi namin sa inyo sa salita ng Panginoon, na tayong nangabubuhay, na nangatitira hanggang sa pagparito ng Panginoon, ay hindi tayo mangauuna sa anomang paraan sa nangatutulog. Sapagka't ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli; Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito'y sasa Panginoon tayo magpakailan man. Kaya't mangagaliwan kayo sa isa't isa ng mga salitang ito.
1 Mga Taga-Tesalonica 4:13-18 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Mga kapatid, nais naming malaman ninyo ang katotohanan tungkol sa mga namatay na upang hindi kayo magdalamhati tulad ng mga taong walang pag-asa. Dahil naniniwala tayong si Jesus ay namatay at muling nabuhay, naniniwala din tayong bubuhayin ng Diyos ang lahat ng namatay na sumasampalataya kay Jesus upang isama sa kanya. Ito ang katuruan ng Panginoon na sinasabi namin sa inyo: tayong mga nabubuhay pa, tayong mga natitira pa hanggang sa pagparito ng Panginoon, ay hindi mauuna sa mga namatay na. Sa araw na iyon kasabay ng malakas na utos, ng tinig ng arkanghel, at ng tunog ng trumpeta ng Diyos, bababâ ang Panginoon mula sa langit. Ang mga namatay na sumasampalataya kay Cristo ay bubuhayin muna. Pagkatapos, tayo namang mga buháy pa at natitira ay titipunin sa alapaap kasama ng mga binuhay upang salubungin ang Panginoon sa himpapawid. Sa gayon, makakapiling natin siya magpakailanman. Kaya nga, palakasin ninyo ang loob ng bawat isa sa pamamagitan ng mga aral na ito.
1 Mga Taga-Tesalonica 4:13-18 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)