1 Mga Taga-Tesalonica 4:16
1 Mga Taga-Tesalonica 4:16 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sa araw na iyon kasabay ng malakas na utos, ng tinig ng arkanghel, at ng tunog ng trumpeta ng Diyos, bababâ ang Panginoon mula sa langit. Ang mga namatay na sumasampalataya kay Cristo ay bubuhayin muna.
1 Mga Taga-Tesalonica 4:16 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Sapagka't ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli
1 Mga Taga-Tesalonica 4:16 Ang Salita ng Dios (ASND)
Sa araw na iyon, ang Panginoon mismo ang bababa mula sa langit kasabay ng malakas na utos. Maririnig ang pagtawag ng punong anghel at ang pagtunog ng trumpeta ng Dios. Ang mga namatay na sumasampalataya kay Cristo ang unang bubuhayin
1 Mga Taga-Tesalonica 4:16 Ang Biblia (TLAB)
Sapagka't ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli