1 Mga Taga-Tesalonica 4:17
1 Mga Taga-Tesalonica 4:17 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Pagkatapos, tayo namang mga buháy pa at natitira ay titipunin sa alapaap kasama ng mga binuhay upang salubungin ang Panginoon sa himpapawid. Sa gayon, makakapiling natin siya magpakailanman.
1 Mga Taga-Tesalonica 4:17 Ang Salita ng Dios (ASND)
pagkatapos, ang mga buhay pa sa atin sa araw na iyon ay kasama nilang dadalhin sa mga ulap para salubungin ang Panginoon sa himpapawid. At makakasama na natin ang Panginoon magpakailanman.
1 Mga Taga-Tesalonica 4:17 Ang Biblia (TLAB)
Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito'y sasa Panginoon tayo magpakailan man.