1 Timoteo 1:1-2
1 Timoteo 1:1-2 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Mula kay Pablo na apostol ni Cristo Jesus ayon sa utos ng Diyos na ating Tagapagligtas at ni Cristo Jesus na ating pag-asa— Kay Timoteo na tunay kong anak sa pananampalataya. Sumaiyo nawa ang pagpapala, habag at kapayapaang buhat sa Diyos Ama at kay Cristo Jesus na ating Panginoon.
1 Timoteo 1:1-2 Ang Salita ng Dios (ASND)
Mula kay Pablo na apostol ni Cristo Jesus ayon sa utos ng Dios na ating Tagapagligtas at ni Cristo Jesus na ating pag-asa. Mahal kong Timoteo, tunay kong anak sa pananampalataya: Sumaiyo nawa ang biyaya, awa at kapayapaang galing sa Dios Ama at kay Cristo Jesus na ating Panginoon.
1 Timoteo 1:1-2 Ang Biblia (TLAB)
Si Pablo, na apostol ni Cristo Jesus ayon sa utos ng Dios na ating Tagapagligtas, at ni Cristo Jesus na ating pagasa; Kay Timoteo na aking tunay na anak sa pananampalataya: Biyaya, kahabagan, at kapayapaan nawang mula sa Dios na Ama at kay Jesucristo na Panginoon natin.
1 Timoteo 1:1-2 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Mula kay Pablo na apostol ni Cristo Jesus ayon sa utos ng Diyos na ating Tagapagligtas at ni Cristo Jesus na ating pag-asa— Kay Timoteo na tunay kong anak sa pananampalataya. Sumaiyo nawa ang pagpapala, habag at kapayapaang buhat sa Diyos Ama at kay Cristo Jesus na ating Panginoon.
1 Timoteo 1:1-2 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)