1 Timoteo 1:18-20
1 Timoteo 1:18-20 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Timoteo, anak ko, ang mga bagay na ito'y itinatagubilin ko sa iyo ayon sa mga pahayag na sinabi tungkol sa iyo upang sa pamamagitan nito ay masigla kang makipaglaban, na taglay ang matibay na pananampalataya at malinis na budhi. May mga taong hindi sumunod sa kanilang budhi, at dahil dito, ang pananampalataya nila ay natulad sa isang barkong nawasak. Kabilang sa mga iyon sina Himeneo at Alejandro, kaya ipinaubaya ko na sila sa kapangyarihan ni Satanas upang matigil na ang kanilang paglapastangan sa Diyos.
1 Timoteo 1:18-20 Ang Salita ng Dios (ASND)
Timoteo, anak ko, ibinibilin ko sa iyo na huwag mong kalimutan ang sinabi noon ng mga propeta tungkol sa iyo, para magawa mong makipaglaban nang mabuti sa mga sumasalungat sa katotohanan. Ingatan mo ang pananampalataya mo at panatilihin mong malinis ang konsensya mo. May mga taong hindi nakinig sa konsensya nila, at dahil dito, sinira nila ang kanilang pananampalataya. Kabilang na rito sina Hymeneus at Alexander na ipinaubaya ko na kay Satanas para maturuang huwag lumapastangan sa Dios.
1 Timoteo 1:18-20 Ang Biblia (TLAB)
Ang biling ito ay ipinagtatagubilin ko sa iyo, Timoteo na aking anak, ayon sa mga hula na nangauna tungkol sa iyo, upang sa pamamagitan ng mga ito ay makipagbaka ka ng mabuting pakikipagbaka; Na ingatan mo ang pananampalataya at ang mabuting budhi; na nang ito'y itakuwil ng iba sa kanila ay nangabagbag tungkol sa pananampalataya: Na sa mga ito'y si Himeneo at si Alejandro; na sila'y aking ibinigay kay Satanas, upang sila'y maturuang huwag mamusong.
1 Timoteo 1:18-20 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Timoteo, anak ko, ang mga bagay na ito'y itinatagubilin ko sa iyo ayon sa mga pahayag na sinabi tungkol sa iyo upang sa pamamagitan nito ay masigla kang makipaglaban, na taglay ang matibay na pananampalataya at malinis na budhi. May mga taong hindi sumunod sa kanilang budhi, at dahil dito, ang pananampalataya nila ay natulad sa isang barkong nawasak. Kabilang sa mga iyon sina Himeneo at Alejandro, kaya ipinaubaya ko na sila sa kapangyarihan ni Satanas upang matigil na ang kanilang paglapastangan sa Diyos.
1 Timoteo 1:18-20 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)