2 Mga Taga-Corinto 13:5
2 Mga Taga-Corinto 13:5 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Subukin ninyo ang inyong mga sarili kung kayo'y namumuhay ayon sa pananampalataya. Suriin ninyo ang inyong sarili. Hindi ba ninyo nalalamang nasa inyo si Cristo Jesus? Maliban na lang kung kayo'y mga bigo sa pagsubok.
2 Mga Taga-Corinto 13:5 Ang Salita ng Dios (ASND)
Suriin ninyo ang inyong sarili kung talagang may pananampalataya kayo kay Cristo. Tingnan ninyong mabuti ang inyong sarili. Hindi nʼyo ba alam na si Cristo ay nasa inyo? – maliban na lang kung hindi kayo tunay na mananampalataya.
2 Mga Taga-Corinto 13:5 Ang Biblia (TLAB)
Siyasatin ninyo ang inyong sarili, kung kayo'y nangasa pananampalataya; subukin ninyo ang inyong sarili. Hindi baga ninyo nalalaman sa ganang inyong sarili, na si Jesucristo ay nasa inyo? maliban na nga kung kayo'y itinakuwil na.
2 Mga Taga-Corinto 13:5 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)