2 Mga Taga-Corinto 5:1-10
2 Mga Taga-Corinto 5:1-10 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Alam nating kapag nasira na ang toldang tinatahanan natin ngayon, na tumutukoy sa ating katawang-lupa, tayo'y may tahanan sa langit na hindi kailanman masisira, isang tahanang ginawa ng Diyos, at hindi ng tao. Dumaraing tayo habang tayo'y nasa katawang ito, at labis na nananabik sa ating tahanang makalangit, upang kung mabihisan na tayo nito ay hindi tayo matagpuang hubad. Habang nakatira pa tayo sa toldang ito, tayo'y naghihinagpis at dumaraing, hindi dahil nais na nating iwaksi ang katawang panlupa, kundi dahil nais na nating mabihisan ng katawang panlangit. Sa gayon, ang buhay na may katapusan ay mapapalitan ng buhay na walang hanggan. Ang Diyos mismo ang nagtalaga sa atin para sa ganitong pagbabago, at ibinigay niya sa atin ang Espiritu bilang katibayan na ito'y matutupad. Kaya't laging malakas ang ating loob, kahit na alam nating habang tayo'y narito pa sa katawang-lupa, hindi tayo makakapasok sa tahanang inihanda ng Panginoon. Sapagkat namumuhay tayo batay sa pananampalataya sa Panginoon at hindi sa mga bagay na nakikita. Malakas nga ang loob nating iwanan ang katawang ito na ating tinatahanan ngayon, upang manirahan na sa piling ng Panginoon. Kaya naman, ang pinakananais natin ay maging kalugud-lugod sa kanya, maging nasa katawang-lupa tayo o maging nasa piling na niya. Sapagkat lahat tayo'y haharap sa hukuman ni Cristo at tatanggap ng nararapat ayon sa ating mga gawang mabuti o masama, nang tayo'y nabubuhay pa sa daigdig na ito.
2 Mga Taga-Corinto 5:1-10 Ang Salita ng Dios (ASND)
Alam natin na ang ating katawang panlupa ay parang bahay na ating tinutuluyan habang nasa mundo pa tayo, at itoʼy masisira. Ngunit alam din natin na may inihandang katawang panlangit ang Dios para sa atin na hindi mamamatay kailanman. Ang katawang ito ay ginawa ng Dios at hindi ng tao. Dumaraing tayo sa ngayon, dahil pinananabikan nating maisuot na ang katawang panlangit. At kapag nangyari ito, hindi matatagpuang hubad ang ating kaluluwa. Habang nandito pa tayo sa ating katawan, dumadaing tayo dahil sa mga paghihirap. Hindi dahil sa gusto na nating mamatay, kundi dahil sa gusto na nating magkaroon ng bagong katawan, para mapalitan na ang katawang may kamatayan ng katawang walang kamatayan. Ang Dios na rin ang siyang naghanda sa atin para tanggapin natin ang bagong katawan, at bilang katiyakan, ibinigay niya sa atin ang kanyang Banal na Espiritu. Kaya panatag ang aming kalooban, kahit na alam namin na habang nabubuhay pa tayo sa ating katawan ay wala pa tayo sa tahanan ng Panginoon. Sapagkat namumuhay tayo sa pananampalataya at hindi ayon sa mga bagay na nakikita. Hindi kami pinanghihinaan ng loob, kahit na mas gusto naming iwanan ang aming katawan at makapiling na ang Panginoon. Kaya naman, sinisikap naming malugod ang Dios sa amin, maging dito man o sa piling na niya. Sapagkat haharap tayong lahat kay Cristo para hatulan. Tatanggapin ng bawat isa ang nararapat na kabayaran sa kanyang mga ginawa, mabuti man o masama, nang nabubuhay pa siya sa mundong ito.
2 Mga Taga-Corinto 5:1-10 Ang Biblia (TLAB)
Sapagka't nalalaman namin na kung masira ang aming bahay na tabernakulong ukol sa lupa, ay mayroong kaming isang gusaling mula sa Dios, bahay na hindi gawa ng mga kamay, walang hanggan, sa sangkalangitan. Sapagka't tunay na sa ganito kami ay nagsisihibik, na nangagnanasang mabihisan kami ng aming tahanang mula sa langit: Na kung mabihisan nga kami niyaon ay hindi kami mangasusumpungang hubad. Sapagka't tunay na kaming nangasa tabernakulong ito ay nagsisihibik, na nangabibigatan; hindi sa ninanasa naming maging hubad, kundi ninanasa naming kami'y bihisan, upang ang may kamatayan ay lamunin ng buhay. Ngayon ang gumawa sa amin ng bagay ding ito ay ang Dios, na nagbigay sa amin ng patotoo ng Espiritu. Kaya nga kami'y laging malakas ang loob, at nalalaman namin na, samantalang kami ay nangasa tahanan sa katawan, ay wala kami sa harapan ng Panginoon. (Sapagka't nagsisilakad kami sa pamamagitan ng pananampalataya, hindi sa pamamagitan ng paningin); Na malakas ang loob namin, ang sabi ko, at ibig pa nga namin ang mawala sa katawan, at mapasa tahanan na kasama ng Panginoon. Kaya't ang amin namang pinagsisikapan, maging sa tahanan man o di man, ay maging kalugodlugod kami sa kaniya. Sapagka't tayong lahat ay kinakailangang mahayag sa harapan ng hukuman ni Cristo; upang tumanggap ang bawa't isa ng mga bagay na ginawa sa pamamagitan ng katawan, ayon sa ginawa niya, maging mabuti o masama.
2 Mga Taga-Corinto 5:1-10 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Alam nating kapag nasira na ang toldang tinatahanan natin ngayon, na tumutukoy sa ating katawang-lupa, tayo'y may tahanan sa langit na hindi kailanman masisira, isang tahanang ginawa ng Diyos, at hindi ng tao. Dumaraing tayo habang tayo'y nasa katawang ito, at labis na nananabik sa ating tahanang makalangit, upang kung mabihisan na tayo nito ay hindi tayo matagpuang hubad. Habang nakatira pa tayo sa toldang ito, tayo'y naghihinagpis at dumaraing, hindi dahil nais na nating iwaksi ang katawang panlupa, kundi dahil nais na nating mabihisan ng katawang panlangit. Sa gayon, ang buhay na may katapusan ay mapapalitan ng buhay na walang hanggan. Ang Diyos mismo ang nagtalaga sa atin para sa ganitong pagbabago, at ibinigay niya sa atin ang Espiritu bilang katibayan na ito'y matutupad. Kaya't laging malakas ang ating loob, kahit na alam nating habang tayo'y narito pa sa katawang-lupa, hindi tayo makakapasok sa tahanang inihanda ng Panginoon. Sapagkat namumuhay tayo batay sa pananampalataya sa Panginoon at hindi sa mga bagay na nakikita. Malakas nga ang loob nating iwanan ang katawang ito na ating tinatahanan ngayon, upang manirahan na sa piling ng Panginoon. Kaya naman, ang pinakananais natin ay maging kalugud-lugod sa kanya, maging nasa katawang-lupa tayo o maging nasa piling na niya. Sapagkat lahat tayo'y haharap sa hukuman ni Cristo at tatanggap ng nararapat ayon sa ating mga gawang mabuti o masama, nang tayo'y nabubuhay pa sa daigdig na ito.
2 Mga Taga-Corinto 5:1-10 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)