2 Mga Taga-Corinto 5:6-7
2 Mga Taga-Corinto 5:6-7 Ang Salita ng Dios (ASND)
Kaya panatag ang aming kalooban, kahit na alam namin na habang nabubuhay pa tayo sa ating katawan ay wala pa tayo sa tahanan ng Panginoon. Sapagkat namumuhay tayo sa pananampalataya at hindi ayon sa mga bagay na nakikita.
2 Mga Taga-Corinto 5:6-7 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kaya't laging malakas ang ating loob, kahit na alam nating habang tayo'y narito pa sa katawang-lupa, hindi tayo makakapasok sa tahanang inihanda ng Panginoon. Sapagkat namumuhay tayo batay sa pananampalataya sa Panginoon at hindi sa mga bagay na nakikita.
2 Mga Taga-Corinto 5:6-7 Ang Biblia (TLAB)
Kaya nga kami'y laging malakas ang loob, at nalalaman namin na, samantalang kami ay nangasa tahanan sa katawan, ay wala kami sa harapan ng Panginoon. (Sapagka't nagsisilakad kami sa pamamagitan ng pananampalataya, hindi sa pamamagitan ng paningin)
2 Mga Taga-Corinto 5:6-7 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Kaya't laging malakas ang ating loob, kahit na alam nating habang tayo'y narito pa sa katawang-lupa, hindi tayo makakapasok sa tahanang inihanda ng Panginoon. Sapagkat namumuhay tayo batay sa pananampalataya sa Panginoon at hindi sa mga bagay na nakikita.
2 Mga Taga-Corinto 5:6-7 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)