2 Mga Taga-Corinto 7:1
2 Mga Taga-Corinto 7:1 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Mga minamahal, sapagkat ipinangako sa atin ang mga bagay na ito, alisin natin sa ating sarili ang lahat ng nakapagpaparumi sa ating katawan at sa ating espiritu. Sikapin nating mamuhay nang may ganap na kabanalan at paggalang sa Diyos.
2 Mga Taga-Corinto 7:1 Ang Salita ng Dios (ASND)
Mga minamahal, dahil sa mga ipinangako ng Dios sa atin, linisin natin ang ating sarili sa anumang bagay na nagpaparumi sa ating katawan at espiritu, at sikapin nating mamuhay nang banal at may takot sa Dios.
2 Mga Taga-Corinto 7:1 Ang Biblia (TLAB)
Yamang taglay natin ang mga pangakong ito, mga minamahal, ay magsipaglinis tayo sa lahat ng karumihan ng laman at ng espiritu, na pakasakdalin ang kabanalan sa takot sa Dios.
2 Mga Taga-Corinto 7:1 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)