2 Juan 1:9-13
2 Juan 1:9-13 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang hindi sumusunod sa katuruan ni Cristo, kundi nagdaragdag pa dito, ay hindi nagpapasakop sa Diyos. Ang sinumang nananatili sa katuruan ni Cristo ay nagpapasakop sa Ama at sa Anak. Huwag ninyong tanggapin sa inyong bahay ni batiin ang sinumang dumating sa inyo na may dalang katuruang laban kay Cristo, sapagkat ang bumabati sa kanya ay nagiging kasama niya sa masamang gawain. Marami pa sana akong sasabihin sa inyo, ngunit hindi ko na binanggit sa sulat na ito. Sa halip, ako'y umaasang makakapunta diyan at makakausap kayo nang personal upang malubos ang ating kagalakan. Kinukumusta ka ng mga anak ng iyong minamahal na kapatid na babae.
2 Juan 1:9-13 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ang sinumang hindi sumusunod sa aral ni Cristo o nagtuturo pa ng labis dito ay hindi pinananahanan ng Dios. Ngunit ang sinumang sumusunod sa aral ni Cristo ay pinananahanan ng Ama at ng Anak. Kung may dumating man sa inyo na iba ang ipinangangaral tungkol kay Cristo, huwag nʼyo siyang tanggapin sa inyong tahanan, ni huwag nʼyo siyang batiin nang may pagpapala. Sapagkat ang sinumang bumati sa kanya ng ganoon ay nakikibahagi sa masasama niyang gawain. Marami pa sana akong sasabihin sa inyo, ngunit hindi ko na lang isusulat. Sapagkat umaasa akong makakadalaw ako riyan at makakausap kayo nang personal, upang malubos ang ating kagalakan. Kinukumusta ka ng mga anak ng kapatid mong babae, na tulad moʼy isa rin sa mga pinili ng Dios.
2 Juan 1:9-13 Ang Biblia (TLAB)
Ang sinomang nagpapatuloy at hindi nananahan sa aral ni Cristo, ay hindi kinaroroonan ng Dios: ang nananahan sa aral, ay kinaroroonan ng Ama at gayon din ng Anak. Kung sa inyo'y dumating ang sinoman, at hindi dala ang aral na ito, ay huwag ninyong tanggapin sa inyong bahay, at huwag ninyo siyang batiin: Sapagka't ang bumabati sa kaniya ay nararamay sa kaniyang masasamang gawa. Yamang may maraming mga bagay na isusulat sa inyo, ay hindi ko ibig isulat sa papel at tinta; datapuwa't inaasahan kong pumariyan sa inyo, at makipagusap ng mukhaan, upang malubos ang inyong galak. Ang mga anak ng iyong hirang na kapatid na babae ay bumabati sa iyo.
2 Juan 1:9-13 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang hindi sumusunod sa katuruan ni Cristo, kundi nagdaragdag pa dito, ay hindi nagpapasakop sa Diyos. Ang sinumang nananatili sa katuruan ni Cristo ay nagpapasakop sa Ama at sa Anak. Huwag ninyong tanggapin sa inyong bahay ni batiin ang sinumang dumating sa inyo na may dalang katuruang laban kay Cristo, sapagkat ang bumabati sa kanya ay nagiging kasama niya sa masamang gawain. Marami pa sana akong sasabihin sa inyo, ngunit hindi ko na binanggit sa sulat na ito. Sa halip, ako'y umaasang makakapunta diyan at makakausap kayo nang personal upang malubos ang ating kagalakan. Kinukumusta ka ng mga anak ng iyong minamahal na kapatid na babae.
2 Juan 1:9-13 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)