2 Pedro 2:21-22
2 Pedro 2:21-22 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Mabuti pang hindi na nila natutuhan ang daang matuwid, kaysa matapos matutuhan ang banal na Kautusang itinuro sa kanila ay tumalikod sila dito. Angkop na angkop sa nangyari sa kanila ang mga kasabihang: “Ugali ng aso, matapos sumuka ay muling kinakain ang nailuwa na,” at, “Ito namang baboy, paliguan mo man, pilit na babalik sa dating lubluban.”
2 Pedro 2:21-22 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Sapagka't magaling pa sa kanila ang hindi nakakilala ng daan ng katuwiran, kay sa, pagkatapos na makakilala ito ay tumalikod sa banal na utos na ibinigay sa kanila. Nangyari sa kanila ang ayon sa kawikaang tunay, Nagbabalik na muli ang aso sa kaniyang sariling suka, at sa paglulubalob sa pusali ang babaing baboy na nahugasan.
2 Pedro 2:21-22 Ang Salita ng Dios (ASND)
Mas mabuti pang hindi na nila natagpuan ang landas patungo sa matuwid na pamumuhay, kaysa sa natagpuan ito at talikuran lang sa bandang huli ang mga banal na utos na ibinigay sa kanila. Bagay sa kanila ang kasabihan, “Ang asoʼy kumakain ng suka niya.” At, “Ang baboy, paliguan man ay babalik din sa kanyang lubluban.”
2 Pedro 2:21-22 Ang Biblia (TLAB)
Sapagka't magaling pa sa kanila ang hindi nakakilala ng daan ng katuwiran, kay sa, pagkatapos na makakilala ito ay tumalikod sa banal na utos na ibinigay sa kanila. Nangyari sa kanila ang ayon sa kawikaang tunay, Nagbabalik na muli ang aso sa kaniyang sariling suka, at sa paglulubalob sa pusali ang babaing baboy na nahugasan.
2 Pedro 2:21-22 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)