2 Mga Taga-Tesalonica 1:1-3
2 Mga Taga-Tesalonica 1:1-3 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Si Pablo, at si Silvano, at si Timoteo, sa iglesia ng mga taga Tesalonica na nasa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesucristo; Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios Ama at sa Panginoong Jesucristo. Kami ay nararapat, mga kapatid, na mangagpasalamat na lagi sa Dios dahil sa inyo, gaya ng marapat, dahil sa ang inyong pananampalataya ay lumalaking lubha, at ang pagibig ng bawa't isa sa iba't iba sa inyong lahat ay sumasagana
2 Mga Taga-Tesalonica 1:1-3 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Mula kina Pablo, Silas, at Timoteo—Para sa iglesya sa Tesalonica, sa mga hinirang ng Diyos Ama at ng Panginoong Jesu-Cristo. Sumainyo nawa ang pagpapala at ang kapayapaang mula sa ating Diyos Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo. Mga kapatid, tama lamang na kami'y laging magpasalamat sa Diyos dahil sa inyo, sapagkat patuloy na tumatatag ang inyong pananampalataya kay Cristo at lalong nagiging maalab ang inyong pagmamahalan sa isa't isa.
2 Mga Taga-Tesalonica 1:1-3 Ang Salita ng Dios (ASND)
Mula kay Pablo, kasama sina Silas at Timoteo. Mahal kong mga kapatid sa iglesya diyan sa Tesalonica na nasa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang galing sa Dios Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo. Mga kapatid, lagi kaming nagpapasalamat sa Dios dahil sa inyo. Nararapat lang na gawin namin ito, dahil patuloy na lumalago ang pananampalataya nʼyo kay Cristo at pagmamahalan sa isaʼt isa.
2 Mga Taga-Tesalonica 1:1-3 Ang Biblia (TLAB)
Si Pablo, at si Silvano, at si Timoteo, sa iglesia ng mga taga Tesalonica na nasa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesucristo; Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios Ama at sa Panginoong Jesucristo. Kami ay nararapat, mga kapatid, na mangagpasalamat na lagi sa Dios dahil sa inyo, gaya ng marapat, dahil sa ang inyong pananampalataya ay lumalaking lubha, at ang pagibig ng bawa't isa sa iba't iba sa inyong lahat ay sumasagana
2 Mga Taga-Tesalonica 1:1-3 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)