2 Mga Taga-Tesalonica 3:6
2 Mga Taga-Tesalonica 3:6 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Aming inuutos nga sa inyo, mga kapatid, sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo, na kayo'y magsihiwalay sa bawa't kapatid na lumalakad ng walang kaayusan, at hindi ayon sa aral na tinanggap nila sa amin.
2 Mga Taga-Tesalonica 3:6 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Mga kapatid, iniuutos namin sa inyo sa pangalan ng Panginoong Jesu-Cristo na layuan ninyo ang sinumang kapatid na tamad at ayaw sumunod sa mga itinuro namin sa inyo.
2 Mga Taga-Tesalonica 3:6 Ang Salita ng Dios (ASND)
Mga kapatid, sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, iniuutos namin sa inyo na layuan nʼyo ang sinumang kapatid na tamad at hindi sumusunod sa mga ipinangaral namin sa inyo.