2 Timoteo 3:1-5
2 Timoteo 3:1-5 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Dapat mong malaman na sa mga huling araw ay magkakaroon ng mga kahirapan. Ang mga tao'y magiging makasarili, sakim sa salapi, palalo, mapagmataas, mapagsamantala, suwail sa magulang, walang utang na loob at lapastangan sa Diyos. Sila'y magiging malupit, walang habag, mapanirang-puri, marahas, mapusok at namumuhi sa mabuti. Sila'y magiging mga taksil, pabaya, mayabang, mahilig sa kalayawan at walang pag-ibig sa Diyos. Sila'y magkukunwaring maka-Diyos, ngunit hindi naman nakikita ang kapangyarihan nito sa kanilang pamumuhay. Iwasan mo ang ganyang uri ng mga tao.
2 Timoteo 3:1-5 Ang Salita ng Dios (ASND)
Tandaan mo ito: Magiging mahirap ang mga huling araw, dahil magiging makasarili ang mga tao, sakim sa salapi, mayabang, mapagmataas, mapang-insulto, masuwayin sa magulang, walang utang na loob, at hindi makadios. Ayaw nilang makipagkasundo sa kaaway nila, malupit, walang awa, mapanira sa kapwa, walang pagpipigil sa sarili, at galit sa anumang mabuti. Hindi lang iyan, mga taksil sila, mapusok, mapagmataas, mahilig sa kalayawan sa halip na maibigin sa Dios. Ipinapakita nilang makadios sila pero hindi naman nakikita ang kapangyarihan nito sa buhay nila. Iwasan mo ang mga taong ganito.
2 Timoteo 3:1-5 Ang Biblia (TLAB)
Datapuwa't alamin mo ito, na sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib. Sapagka't ang mga tao'y magiging maibigin sa kanilang sarili, maibigin sa salapi, mayayabang, mga mapagmalaki, mapagtungayaw, masuwayin sa mga magulang, mga walang turing, mga walang kabanalan, Walang katutubong pagibig, mga walang paglulubag, mga palabintangin, mga walang pagpipigil sa sarili, mga mabangis, hindi mga maibigin sa mabuti, Mga lilo, mga matitigas ang ulo, mga palalo, mga maibigin sa kalayawan kay sa mga maibigin sa Dios; Na may anyo ng kabanalan, datapuwa't tinanggihan ang kapangyarihan nito: lumayo ka rin naman sa mga ito.
2 Timoteo 3:1-5 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Dapat mong malaman na sa mga huling araw ay magkakaroon ng mga kahirapan. Ang mga tao'y magiging makasarili, sakim sa salapi, palalo, mapagmataas, mapagsamantala, suwail sa magulang, walang utang na loob at lapastangan sa Diyos. Sila'y magiging malupit, walang habag, mapanirang-puri, marahas, mapusok at namumuhi sa mabuti. Sila'y magiging mga taksil, pabaya, mayabang, mahilig sa kalayawan at walang pag-ibig sa Diyos. Sila'y magkukunwaring maka-Diyos, ngunit hindi naman nakikita ang kapangyarihan nito sa kanilang pamumuhay. Iwasan mo ang ganyang uri ng mga tao.
2 Timoteo 3:1-5 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)