3 Juan 1:7-10
3 Juan 1:7-10 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
sapagkat naglalakbay sila sa pangalan ni Cristo at hindi tumatanggap ng anumang tulong sa mga di sumasampalataya sa Diyos. Dapat natin silang tulungan upang tayo'y makabahagi sa pagpapalaganap ng katotohanan. Sumulat ako sa iglesya subalit hindi binigyang pansin ni Diotrefes ang aking kapangyarihan; ang hangad niya'y siya ang kilalaning pinuno ninyo. Kaya't pagpunta ko diyan, uungkatin ko ang lahat ng ginawa niya at ang mga kasinungalingang sinabi niya laban sa amin. At hindi pa siya nasiyahan doon; ayaw niyang tanggapin ang mga kapatiran na dumarating at hinahadlangan pa niya at itinitiwalag sa iglesya ang mga nais tumanggap sa mga iyon.
3 Juan 1:7-10 Ang Salita ng Dios (ASND)
Sapagkat pumupunta sila sa ibaʼt ibang lugar upang ipangaral ang tungkol sa Panginoon, nang hindi tumatanggap ng kahit anong tulong sa mga taong hindi kumikilala sa Dios. Kaya dapat lang na tulungan natin sila, nang sa ganoon ay maging kabahagi tayo sa kanilang gawain para sa katotohanan. Sumulat ako sa iglesya riyan tungkol sa bagay na ito, ngunit hindi kami kinilala ni Diotrefes na gustong manguna sa inyo. Kaya kapag pumunta ako riyan, sasabihin ko sa inyo ang mga pinaggagawa niya – ang mga paninirang ikinakalat niya tungkol sa amin. Bukod pa rito, hindi niya tinatanggap ang mga kapatid na dumaraan diyan, at pinagbabawalan pa niya ang iba na tumulong sa kanila. At ang mga gusto namang tumulong ay pinapaalis niya sa iglesya.
3 Juan 1:7-10 Ang Biblia (TLAB)
Sapagka't dahil sa Pangalan, ay nangagsiyaon sila na walang kinuhang anoman sa mga Gentil. Nararapat nga nating tanggaping mabuti ang mga gayon, upang tayo'y maging kasama sa paggawa sa katotohanan. Ako'y sumulat ng ilang bagay sa iglesia: datapuwa't si Diotrefes na nagiibig magkaroon ng kataasan sa kanila, ay hindi kami tinatanggap. Kaya't kung pumariyan ako, ay ipaaalaala ko ang mga gawang kaniyang ginagawa, na nagsasalita ng masasamang salita laban sa amin: at hindi nasisiyahan sa ganito, ni hindi man niya tinatanggap ang mga kapatid, at silang mga ibig tumanggap ay pinagbabawalan niya at pinalalayas sila sa iglesia.
3 Juan 1:7-10 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
sapagkat naglalakbay sila sa pangalan ni Cristo at hindi tumatanggap ng anumang tulong sa mga di sumasampalataya sa Diyos. Dapat natin silang tulungan upang tayo'y makabahagi sa pagpapalaganap ng katotohanan. Sumulat ako sa iglesya subalit hindi binigyang pansin ni Diotrefes ang aking kapangyarihan; ang hangad niya'y siya ang kilalaning pinuno ninyo. Kaya't pagpunta ko diyan, uungkatin ko ang lahat ng ginawa niya at ang mga kasinungalingang sinabi niya laban sa amin. At hindi pa siya nasiyahan doon; ayaw niyang tanggapin ang mga kapatiran na dumarating at hinahadlangan pa niya at itinitiwalag sa iglesya ang mga nais tumanggap sa mga iyon.
3 Juan 1:7-10 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)