Mga Gawa 16:14 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon
Mga Gawa 16:14 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Kabilang dito ang isang sumasamba sa Diyos na nagngangalang Lydia na taga-Tiatira; siya'y isang negosyante na nagtitinda ng mamahaling telang kulay ube. Binuksan ng Panginoon ang kanyang isip at kanyang pinaniwalaan ang ipinapangaral ni Pablo.
Mga Gawa 16:14 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Isa sa mga nakikinig sa amin ay si Lydia na taga-Tiatira. Siyaʼy isang negosyante ng mga mamahaling telang kulay lila, at sumasamba siya sa Diyos. Binuksan ng Panginoon ang kanyang puso upang tanggapin ang mga sinasabi ni Pablo.
Mga Gawa 16:14 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Kabilang dito ang isang sumasamba sa Diyos na nagngangalang Lydia na taga-Tiatira; siya'y isang negosyante na nagtitinda ng mamahaling telang kulay ube. Binuksan ng Panginoon ang kanyang isip at kanyang pinaniwalaan ang ipinapangaral ni Pablo.
Mga Gawa 16:14 TLAB (Ang Biblia)
At isang babaing nagngangalang Lidia, na mangangalakal ng kayong kulay-ube, na taga bayan ng Tiatira, isang masipag sa kabanalan, ay nakinig sa amin: na binuksan ng Panginoon ang kaniyang puso upang unawain ang mga bagay na sinalita ni Pablo.
Mga Gawa 16:14 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))