Logo ng Bible App
Hanapin ang Icon

Mga Gawa 19:19 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon

Mga Gawa 19:18-19 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

Marami sa mga sumampalataya ang dumating at nagpahayag na sila ay nangkukulam. Tinipon nila ang kanilang mga aklat at sinunog ang mga ito sa harap ng madla. Sa kabuuan, ang halaga ng mga ito ay umabot sa limampung libong salaping pilak.

Mga Gawa 19:19 ASD (Ang Salita ng Diyos)

At marami ring mga salamangkero ang nagdala ng kanilang aklat at sinunog nila ang mga ito sa harap ng lahat. Ang halaga ng mga aklat na sinunog ay umabot ng ilang milyon.

Mga Gawa 19:18-19 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

Marami sa mga sumampalataya ang dumating at nagpahayag na sila ay nangkukulam. Tinipon nila ang kanilang mga aklat at sinunog ang mga ito sa harap ng madla. Sa kabuuan, ang halaga ng mga ito ay umabot sa limampung libong salaping pilak.

Mga Gawa 19:19 TLAB (Ang Biblia)

At hindi kakaunti sa mga nagsisigamit ng mga kabihasnang magica ay nagsipagtipon ng kanilang mga aklat, at pinagsusunog sa paningin ng lahat; at kanilang binilang ang halaga niyaon, at nasumpungang may limampung libong putol na pilak.

Mga Gawa 19:19 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))