Logo ng Bible App
Hanapin ang Icon

Mga Gawa 2:45-46 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon

Mga Gawa 2:45-46 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

Ipinagbibili nila ang kanilang mga ari-arian at ang napagbilhan ay ipinamamahagi sa bawat isa ayon sa kanyang pangangailangan. Araw-araw, sila'y nagkakatipon sa Templo, masayang nagpipira-piraso ng tinapay sa kanilang mga tahanan, at may malinis na kalooban.

Mga Gawa 2:45-46 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Ipinagbili nila ang kanilang mga lupa at mga ari-arian, at ang peraʼy ipinamahagi nila sa kanilang mga kasama ayon sa pangangailangan ng bawat isa. Araw-araw, nagtitipon sila sa Templo at nagsasalo-salo sa pagkain upang gunitain ang Panginoon sa kanilang mga bahay na may lubos na kagalakan at malinis na kalooban.

Mga Gawa 2:45-46 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

Ipinagbibili nila ang kanilang mga ari-arian at ang napagbilhan ay ipinamamahagi sa bawat isa ayon sa kanyang pangangailangan. Araw-araw, sila'y nagkakatipon sa Templo, masayang nagpipira-piraso ng tinapay sa kanilang mga tahanan, at may malinis na kalooban.

Mga Gawa 2:45-46 TLAB (Ang Biblia)

At ipinagbili nila ang kanilang mga pag-aari at kayamanan, at ipinamahagi sa lahat, ayon sa pangangailangan ng bawa't isa. At araw-araw sila'y nagsisipanatiling matibay sa pagkakaisa sa templo, at sa pagpuputolputol ng tinapay sa bahay-bahay, at nagsisikain sila ng kanilang pagkain na may galak at may katapatan ng puso.

Mga Gawa 2:45-46 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))

At ipinagbili nila ang kanilang mga pagaari at kayamanan, at ipinamahagi sa lahat, ayon sa pangangailangan ng bawa't isa. At araw-araw sila'y nagsisipanatiling matibay sa pagkakaisa sa templo, at sa pagpuputolputol ng tinapay sa bahay-bahay, at nagsisikain sila ng kanilang pagkain na may galak at may katapatan ng puso.