Mga Gawa 3:16
Mga Gawa 3:16 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
At sa pamamagitan ng pananampalataya sa kaniyang pangalan ay pinalakas ng kaniyang pangalan ang taong ito, na inyong nakikita at nakikilala: oo, ang pananampalataya na sa pamamagitan niya'y nagkaloob sa kaniya nitong lubos na kagalingan sa harapan ninyong lahat.
Mga Gawa 3:16 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang kapangyarihan ng pangalan ni Jesus ang nagpagaling sa lalaking ito; nangyari ito dahil sa pananalig sa kanyang pangalan. Ang pananalig kay Jesus ang lubusang nagpagaling sa kanya, tulad ng inyong nakikita.
Mga Gawa 3:16 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ang pananampalataya kay Jesus ang siyang nagpalakas sa taong ito na inyong namukhaan at nakikita ngayon. Kayo man ay mga saksi na gumaling siya. Nangyari ito dahil sa pananampalataya kay Jesus.
Mga Gawa 3:16 Ang Biblia (TLAB)