Amos 1:10-12
Amos 1:10-12 Ang Salita ng Dios (ASND)
Kaya susunugin ko ang mga pader ng Tyre at ang matitibay na bahagi ng lungsod nito.” Ito ang sinasabi ng PANGINOON tungkol sa Edom: “Dahil sa patuloy na pagkakasala ng mga taga-Edom, parurusahan ko sila. Sapagkat tinugis nila ang kanilang mga kaanak na mga Israelita at walang awang pinatay. Hinding-hindi mawawala ang kanilang galit sa mga Israelita. Kaya susunugin ko ang Teman at ang matitibay na bahagi ng Bozra.”
Amos 1:10-12 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Susunugin ko ang mga pader ng Tiro; tutupukin ko ang mga palasyo roon.” Ganito ang sabi ni Yahweh: “Paulit-ulit na nagkasala ang mga taga-Edom, kaya sila'y paparusahan ko. Hinabol nila ng tagâ ang mga kapatid nilang Israelita at hindi sila naawa kahit bahagya. Hindi naglubag ang kanilang poot kailanman. Susunugin ko ang Teman, tutupukin ko naman ang mga tanggulan sa Bozra.”
Amos 1:10-12 Ang Biblia (TLAB)
Nguni't ako'y magsusugo ng isang apoy sa kuta ng Tiro, at susupukin niyaon ang mga palacio niyaon. Ganito ang sabi ng Panginoon: Dahil sa tatlong pagsalangsang ng Edom, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya; sapagka't hinabol niya ng tabak ang kaniyang kapatid, at ipinagkait ang buong habag, at ang kaniyang galit ay laging nanglilipol, at taglay niya ang kaniyang poot magpakailan man. Nguni't magsusugo ako ng isang apoy sa Teman, at susupukin niyaon ang mga palacio sa Bozra.
Amos 1:10-12 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Susunugin ko ang mga pader ng Tiro; tutupukin ko ang mga palasyo roon.” Ganito ang sabi ni Yahweh: “Paulit-ulit na nagkasala ang mga taga-Edom, kaya sila'y paparusahan ko. Hinabol nila ng tagâ ang mga kapatid nilang Israelita at hindi sila naawa kahit bahagya. Hindi naglubag ang kanilang poot kailanman. Susunugin ko ang Teman, tutupukin ko naman ang mga tanggulan sa Bozra.”
Amos 1:10-12 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)