Amos 5:1-5
Amos 5:1-5 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Mga taga-Israel, pakinggan ninyo ang panaghoy kong ito tungkol sa inyo: Nabuwal ang Israel at di na makakabangon. Nakahandusay siya at sa kanya'y walang tumutulong. Sinabi ng Panginoong Yahweh, “Sa sanlibong kawal na inatasan ng isang lunsod, iisang daan ang makakabalik; sa sandaan namang inatasan ng isa pang lunsod, ang makakabalik ay sampu na lamang.” Ito pa ang sabi ni Yahweh sa mga taga-Israel: “Lumapit kayo sa akin at kayo'y mabubuhay; huwag kayong pumunta sa Bethel upang humingi ng tulong; huwag kayong pumunta doon sa Beer-seba, sapagkat ang mga taga-Gilgal ay tiyak na mabibihag, at ang Bethel ay mawawalang kabuluhan.”
Amos 5:1-5 Ang Salita ng Dios (ASND)
Mga Israelita, pakinggan nʼyo itong panaghoy tungkol sa inyo: Ang Israel na katulad ng isang babaeng birhen ay nabuwal at hindi na muling makabangon. Pinabayaan siyang nakahandusay sa sarili niyang lupain at walang tumutulong para ibangon siya. Ito ang sinabi ng Panginoong DIOS, “Sa 1,000 sundalo na ipapadala ng isang lungsod sa Israel, 100 na lang ang matitira. At sa 100 sundalo na kanyang ipapadala, 10 na lang ang matitira. Kaya kayong mga Israelita, dumulog kayo sa akin at mabubuhay kayo. Huwag na kayong pumunta sa Betel, sa Gilgal, o sa Beersheba, upang sumamba roon. Sapagkat siguradong bibihagin ang mga mamamayan ng Gilgal at mawawala ang Betel.
Amos 5:1-5 Ang Biblia (TLAB)
Dinggin ninyo ang salitang ito na aking itinataghoy sa inyo, Oh sangbahayan ni Israel. Ang dalaga ng Israel ay nabuwal; siya'y hindi na magbabangon pa, siya'y nahagis sa kaniyang lupain; walang magbangon sa kaniya. Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Ang bayan na lalabas na isang libo, maiiwang isang daan, at ang lalabas na isang daan ay maiiwang sangpu, sa sangbahayan ni Israel. Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon sa sangbahayan ni Israel; Hanapin ninyo ako, at kayo'y mangabubuhay; Nguni't huwag ninyong hanapin ang Beth-el, ni magsipasok man sa Gilgal, at huwag kayong magsidaan sa Beer-seba: sapagka't walang pagsala ang Gilgal ay papasok sa pagkabihag, at ang Beth-el ay mauuwi sa wala.
Amos 5:1-5 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Mga taga-Israel, pakinggan ninyo ang panaghoy kong ito tungkol sa inyo: Nabuwal ang Israel at di na makakabangon. Nakahandusay siya at sa kanya'y walang tumutulong. Sinabi ng Panginoong Yahweh, “Sa sanlibong kawal na inatasan ng isang lunsod, iisang daan ang makakabalik; sa sandaan namang inatasan ng isa pang lunsod, ang makakabalik ay sampu na lamang.” Ito pa ang sabi ni Yahweh sa mga taga-Israel: “Lumapit kayo sa akin at kayo'y mabubuhay; huwag kayong pumunta sa Bethel upang humingi ng tulong; huwag kayong pumunta doon sa Beer-seba, sapagkat ang mga taga-Gilgal ay tiyak na mabibihag, at ang Bethel ay mawawalang kabuluhan.”
Amos 5:1-5 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)