Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Amos 5:4-17

Amos 5:4-17 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)

Ito pa ang sabi ni Yahweh sa mga taga-Israel: “Lumapit kayo sa akin at kayo'y mabubuhay; huwag kayong pumunta sa Bethel upang humingi ng tulong; huwag kayong pumunta doon sa Beer-seba, sapagkat ang mga taga-Gilgal ay tiyak na mabibihag, at ang Bethel ay mawawalang kabuluhan.” Lumapit kayo kay Yahweh at kayo'y mabubuhay. Kung hindi, bababâ siyang parang apoy sa mga anak ni Jose, susunugin ang Bethel at walang makakasugpo sa apoy na ito. Kahabag-habag kayo na nagkakait ng katarungan at yumuyurak sa karapatan ng mga tao! Nilikha ni Yahweh ang Pleyades at ang Orion. Itinatakda niya ang araw at ang gabi. Tinipon niya ang tubig mula sa karagatan, upang muling ibuhos sa sangkalupaan; Yahweh ang kanyang pangalan. Winawasak niya ang mga kuta at dinudurog ang mga tanggulan. Namumuhi kayo sa naninindigan sa katarungan, at hinahamak ang nagsasabi ng katotohanan. Ginigipit ninyo ang mahihirap at hinuhuthot ang kanilang ani. Kaya't hindi ninyo matitirhan ang bahay na batong inyong itinayo, ni malalasap man lang ang alak mula sa malalawak ninyong ubasan. Alam ko kung gaano karami ang inyong ginawang kasamaan, at kung gaano kabigat ang inyong mga kasalanan. Kayo'y humihingi ng suhol sa mga taong matuwid, at ipinagkakait ninyo sa mga mahihirap ang katarungan. Naghahari ang kasamaan sa panahong ito; kaya't kung ika'y matalino, mananahimik ka na lang. Gawin mo ang matuwid, hindi ang masama, upang ikaw ay mabuhay. Sa gayon, sasaiyo si Yahweh, ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat, tulad ng sinasabi mo. Kamuhian mo ang masama, ibigin ang mabuti. Pairalin mo sa mga hukuman ang katarungan, baka sakaling kahabagan ni Yahweh ang matitirang buháy sa lahi ni Jose. Kaya't sinasabi ni Yahweh, ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat, ang Panginoon, “Maririnig sa mga lansangan ang mga pagtangis; at ang mga paghihinagpis sa mga liwasan. Pati ang mga magsasaka ay makikidalamhati, kasama ng mga bayarang taga-iyak. May mga pagtangis sa bawat ubasan, sapagkat darating na ako sa inyong kalagitnaan.”

Amos 5:4-17 Ang Salita ng Dios (ASND)

Kaya kayong mga Israelita, dumulog kayo sa akin at mabubuhay kayo. Huwag na kayong pumunta sa Betel, sa Gilgal, o sa Beersheba, upang sumamba roon. Sapagkat siguradong bibihagin ang mga mamamayan ng Gilgal at mawawala ang Betel. Dumulog kayo sa akin, kayong mga lahi ni Jose, at mabubuhay kayo. Dahil kung hindi, lulusubin ko kayo na parang apoy. Kaya malilipol ang Betel at walang makakapigil nito. Nakakaawa kayo! Ang katarungan ay ginagawa ninyong marumi at pinawawalang-halaga ninyo ang katuwiran!” Ang Dios ang lumikha ng grupo ng mga bituing tinatawag na Pleyades at Orion. Siya ang nagpapalipas ng liwanag sa dilim, at ng araw sa gabi. Tinitipon niya ang tubig mula sa karagatan para pumunta sa mga ulap upang muling ibuhos sa lupa sa pamamagitan ng ulan. PANGINOON ang kanyang pangalan. Agad niyang winawasak ang matitibay na napapaderang bayan, at dinudurog ang napapaderang lungsod. Kayong mga taga-Israel, napopoot kayo sa humahatol nang tama at nagsasabi ng totoo sa hukuman. Inaapi ninyo ang mga mahihirap at pinipilit na magbigay sa inyo ng kanilang ani. Kaya hindi kayo makakatira sa ipinatayo ninyong mansyon, at hindi kayo makakainom ng katas mula sa itinanim ninyong mga ubas. Sapagkat alam ko kung gaano karami at kabigat ang inyong mga kasalanan. Inuusig ninyo ang mga taong walang kasalanan at kinikikilan pa ninyo. Hindi ninyo binibigyan ng hustisya sa hukuman ang mga mahihirap. Dahil naghahari ngayon ang kasamaan, ang marurunong ay tumatahimik na lang. Gawin na lamang ninyo ang mabuti at huwag ang masama para mabuhay kayo, at sasamahan kayo ng PANGINOONG Dios na Makapangyarihan, gaya nang inyong sinasabi. Kapootan ninyo ang masama at gawin ang mabuti, at pairalin ninyo ang hustisya sa inyong mga hukuman. Baka sakaling maawa ang PANGINOONG Dios na Makapangyarihan sa inyong mga natitira sa mga lahi ni Jose. Kaya ito ang sinasabi ng PANGINOONG Dios na Makapangyarihan: “Darating ang araw na maririnig ang mga iyakan at panaghoy sa mga plasa at mga lansangan. Ipapatawag ang mga magsasaka para umiyak sa mga patay na kasama ng mga taong inupahan para umiyak. May mga iyakan din sa inyong mga taniman ng ubas. Mangyayari ito dahil parurusahan ko kayo. Ako, ang PANGINOON, ang nagsasabi nito.”

Amos 5:4-17 Ang Biblia (TLAB)

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon sa sangbahayan ni Israel; Hanapin ninyo ako, at kayo'y mangabubuhay; Nguni't huwag ninyong hanapin ang Beth-el, ni magsipasok man sa Gilgal, at huwag kayong magsidaan sa Beer-seba: sapagka't walang pagsala ang Gilgal ay papasok sa pagkabihag, at ang Beth-el ay mauuwi sa wala. Inyong hanapin ang Panginoon, at kayo'y mangabubuhay; baka siya'y sumigalbong parang apoy sa sangbahayan ni Jose, at supukin yaon, at sa Beth-el ay walang makapapatay niyaon: Kayong nagpapaging ajenjo sa kahatulan, at nagwawaksi ng katuwiran sa lupa. Inyong hanapin ang lumikha ng mga Pleyades at ng Orion, at ang lilim ng kamatayan ay pinapaging umaga, pinapagdilim ang araw sa pamamagitan ng gabi; yaong tumatawag sa tubig sa dagat, at nagbubugso ng mga yaon sa ibabaw ng lupa (Panginoon ang siya niyang pangalan); Yaong nagdadala ng biglang kabuwalan sa malakas, na anopa't ang pagkasira ay dumarating sa katibayan. Kanilang kinapopootan ang nananaway sa pintuang-bayan, at kanilang kinasusuklaman ang nagsasalita ng matuwid. Palibhasa nga't inyong niyayapakan ang dukha, at inyong hinihingan siya ng trigo: kayo'y nangagtayo ng mga bahay na batong tinabas, nguni't hindi ninyo tatahanan; kayo'y nangagtanim ng mga maligayang ubasan, nguni't hindi kayo magsisiinom ng alak niyaon. Sapagka't talastas ko kung gaano karami ang inyong mga pagsalangsang, at kung gaano kalaki ang inyong mga kasalanan: kayong nagsisidalamhati sa ganap, na kinukunan ninyo ng suhol, at inyong inililigaw sa kanilang matuwid ang mapagkailangan sa pintuang-bayan. Kaya't siya na mabait ay tatahimik sa panahong yaon; sapagka't masamang panahon. Magsihanap kayo ng kabutihan, at huwag kasamaan, upang kayo'y mangabuhay; at sa gayo'y ang Panginoon, ang Dios ng mga hukbo, ay sasa inyo, gaya ng inyong sinasabi. Inyong kapootan ang masama, at ibigin ang mabuti, at kayo'y mangagtatatag ng kahatulan sa pintuang-bayan: marahil ang Panginoon, ang Dios ng mga hukbo ay magiging mapagbiyaya sa nalabi sa Jose. Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng mga hukbo, ng Panginoon: Panaghoy ay sa lahat na daan; at sila'y mangagsasabi sa lahat na lansangan, Sa aba! sa aba! at kanilang tatawagin ang mangbubukid sa pananambitan, at ang lahat na bihasa sa pananaghoy sa pagtaghoy. At sa lahat ng ubasan ay magkakaroon ng panaghoy; sapagka't ako'y daraan sa gitna mo, sabi ng Panginoon.

Amos 5:4-17 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)

Ito pa ang sabi ni Yahweh sa mga taga-Israel: “Lumapit kayo sa akin at kayo'y mabubuhay; huwag kayong pumunta sa Bethel upang humingi ng tulong; huwag kayong pumunta doon sa Beer-seba, sapagkat ang mga taga-Gilgal ay tiyak na mabibihag, at ang Bethel ay mawawalang kabuluhan.” Lumapit kayo kay Yahweh at kayo'y mabubuhay. Kung hindi, bababâ siyang parang apoy sa mga anak ni Jose, susunugin ang Bethel at walang makakasugpo sa apoy na ito. Kahabag-habag kayo na nagkakait ng katarungan at yumuyurak sa karapatan ng mga tao! Nilikha ni Yahweh ang Pleyades at ang Orion. Itinatakda niya ang araw at ang gabi. Tinipon niya ang tubig mula sa karagatan, upang muling ibuhos sa sangkalupaan; Yahweh ang kanyang pangalan. Winawasak niya ang mga kuta at dinudurog ang mga tanggulan. Namumuhi kayo sa naninindigan sa katarungan, at hinahamak ang nagsasabi ng katotohanan. Ginigipit ninyo ang mahihirap at hinuhuthot ang kanilang ani. Kaya't hindi ninyo matitirhan ang bahay na batong inyong itinayo, ni malalasap man lang ang alak mula sa malalawak ninyong ubasan. Alam ko kung gaano karami ang inyong ginawang kasamaan, at kung gaano kabigat ang inyong mga kasalanan. Kayo'y humihingi ng suhol sa mga taong matuwid, at ipinagkakait ninyo sa mga mahihirap ang katarungan. Naghahari ang kasamaan sa panahong ito; kaya't kung ika'y matalino, mananahimik ka na lang. Gawin mo ang matuwid, hindi ang masama, upang ikaw ay mabuhay. Sa gayon, sasaiyo si Yahweh, ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat, tulad ng sinasabi mo. Kamuhian mo ang masama, ibigin ang mabuti. Pairalin mo sa mga hukuman ang katarungan, baka sakaling kahabagan ni Yahweh ang matitirang buháy sa lahi ni Jose. Kaya't sinasabi ni Yahweh, ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat, ang Panginoon, “Maririnig sa mga lansangan ang mga pagtangis; at ang mga paghihinagpis sa mga liwasan. Pati ang mga magsasaka ay makikidalamhati, kasama ng mga bayarang taga-iyak. May mga pagtangis sa bawat ubasan, sapagkat darating na ako sa inyong kalagitnaan.”

Amos 5:4-17 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon sa sangbahayan ni Israel; Hanapin ninyo ako, at kayo'y mangabubuhay; Nguni't huwag ninyong hanapin ang Beth-el, ni magsipasok man sa Gilgal, at huwag kayong magsidaan sa Beer-seba: sapagka't walang pagsala ang Gilgal ay papasok sa pagkabihag, at ang Beth-el ay mauuwi sa wala. Inyong hanapin ang Panginoon, at kayo'y mangabubuhay; baka siya'y sumigalbong parang apoy sa sangbahayan ni Jose, at supukin yaon, at sa Beth-el ay walang makapapatay niyaon: Kayong nagpapaging ajenjo sa kahatulan, at nagwawaksi ng katuwiran sa lupa. Inyong hanapin ang lumikha ng mga Pleyades at ng Orion, at ang lilim ng kamatayan ay pinapaging umaga, pinapagdilim ang araw sa pamamagitan ng gabi; yaong tumatawag sa tubig sa dagat, at nagbubugso ng mga yaon sa ibabaw ng lupa (Panginoon ang siya niyang pangalan); Yaong nagdadala ng biglang kabuwalan sa malakas, na anopa't ang pagkasira ay dumarating sa katibayan. Kanilang kinapopootan ang nananaway sa pintuang-bayan, at kanilang kinasusuklaman ang nagsasalita ng matuwid. Palibhasa nga't inyong niyayapakan ang dukha, at inyong hinihingan siya ng trigo: kayo'y nangagtayo ng mga bahay na batong tinabas, nguni't hindi ninyo tatahanan; kayo'y nangagtanim ng mga maligayang ubasan, nguni't hindi kayo magsisiinom ng alak niyaon. Sapagka't talastas ko kung gaano karami ang inyong mga pagsalangsang, at kung gaano kalaki ang inyong mga kasalanan—kayong nagsisidalamhati sa ganap, na kinukunan ninyo ng suhol, at inyong inililigaw sa kanilang matuwid ang mapagkailangan sa pintuang-bayan. Kaya't siya na mabait ay tatahimik sa panahong yaon; sapagka't masamang panahon. Magsihanap kayo ng kabutihan, at huwag kasamaan, upang kayo'y mangabuhay; at sa gayo'y ang Panginoon, ang Dios ng mga hukbo, ay sasa inyo, gaya ng inyong sinasabi. Inyong kapootan ang masama, at ibigin ang mabuti, at kayo'y mangagtatatag ng kahatulan sa pintuang-bayan: marahil ang Panginoon, ang Dios ng mga hukbo ay magiging mapagbiyaya sa nalabi sa Jose. Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng mga hukbo, ng Panginoon: Panaghoy ay sa lahat na daan; at sila'y mangagsasabi sa lahat na lansangan, Sa aba! sa aba! at kanilang tatawagin ang mangbubukid sa pananambitan, at ang lahat na bihasa sa pananaghoy sa pagtaghoy. At sa lahat ng ubasan ay magkakaroon ng panaghoy; sapagka't ako'y daraan sa gitna mo, sabi ng Panginoon.