Amos 8:7-14
Amos 8:7-14 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sumumpa si Yahweh, ang Diyos ng Israel, “Hindi ko na mapapatawad ang masasama nilang gawa. Magkakaroon ng lindol sa lupa at mananangis ang bawat isa. Mayayanig ang buong bayan; tataas-bababâ ito na tulad ng Ilog Nilo.” Sa araw na iyon, sabi ng Panginoong Yahweh, “Lulubog ang araw sa katanghaliang-tapat, at magdidilim sa buong maghapon. Ang iyong kapistahan ay gagawin kong araw ng kapighatian; at ang masasayang awitin ninyo'y magiging panaghoy. Pipilitin ko kayong magsuot ng panluksa, at mapipilitan kayong mag-ahit ng ulo. Matutulad kayo sa magulang na nagdadalamhati, dahil sa pagkamatay ng kaisa-isang anak. Ang araw na iyon ay magiging mapait hanggang sa wakas.” Sinabi ng Panginoong Yahweh, “Darating din ang araw na papairalin ko sa lupain ang taggutom. Magugutom sila ngunit hindi sa pagkain; mauuhaw sila ngunit hindi sa tubig, kundi sa pakikinig ng aking mga salita. Mula sa hilaga papuntang timog, mula sa silangan hanggang sa kanluran, hahanapin nila ang salita ni Yahweh, subalit iyon ay hindi nila matatagpuan. Dahil sa matinding pagkauhaw na ito, mawawalan ng malay-tao ang magagandang dalaga at ang malalakas na binata. Ang mga sumusumpa sa pangalan ng mga diyus-diyosan sa Samaria, ang mga nagsasabing, ‘Sa ngalan ng diyos ng Dan,’ at ‘Sa ngalan ng diyos ng Beer-seba,’ sila'y mabubuwal at hindi na makakabangon pa.”
Amos 8:7-14 Ang Salita ng Dios (ASND)
Kaya sumumpa ang PANGINOON, ang Dios na ipinagmamalaki ng mga lahi ni Jacob, “Hindi ko makakalimutan ang lahat ng kasamaan na ginawa ninyo. Dahil dito, palilindulin ko ang inyong lupain at mag-iiyakan kayo. Yayanigin ko nang husto ang inyong lupain na tulad ng Ilog na tumataas kapag may baha at bumababa tulad ng Ilog ng Nilo sa Egipto. Sa araw na iyon, palulubugin ko ang araw sa katanghaliang tapat, kaya didilim ang buong lupain kahit araw pa. Ako, ang Panginoong DIOS, ang nagsasabi nito. Gagawin kong iyakan ang kasayahan sa inyong pista, at ang inyong pag-aawitan ay magiging panaghoy. Pagdadamitin ko kayo ng sako at uutusang magpakalbo para ipakita ang inyong pagdadalamhati, katulad ng mga magulang na umiiyak sa pagkamatay ng kanilang kaisa-isang anak. Pero magiging mas masakit pa ang huling parusa.” Sinabi pa ng Panginoong DIOS, “Darating ang araw na padadalhan ko ng taggutom ang inyong lupain. Pero hindi ito pagkagutom sa pagkain o pagkauhaw sa tubig, kundi pagkagutom at pagkauhaw sa aking mga salita. Pagod na pagod na kayo sa paghahanap ng mga taong makakapagpahayag sa inyo ng aking salita, pero hindi ninyo matagpuan kahit saan kayo pumunta. Sa araw na iyon na parurusahan ko kayo, kahit na ang inyong magagandang dalaga at ang inyong malalakas na mga binata ay mawawalan ng malay dahil sa matinding uhaw. Kayong mga nanunumpa sa ngalan ng mga dios-diosan ng Samaria, Dan at Beersheba, lilipulin kayo at hindi na makakabangon.”
Amos 8:7-14 Ang Biblia (TLAB)
Ang Panginoon ay sumumpa alangalang sa karilagan ng Jacob, Tunay na hindi ko kalilimutan kailan man ang alin man sa kanilang mga gawa. Hindi baga manginginig ang lupain dahil dito, at mananaghoy ang bawa't tumatahan doon? oo, sasampang buo na gaya ng Ilog; at mababagabag at lulubog uli, gaya ng Ilog ng Egipto. At mangyayari sa araw na yaon, sabi ng Panginoong Dios, na aking palulubugin ang araw sa katanghaliang tapat, at aking padidilimin ang lupa sa maliwanag na araw. At aking papalitan ng panaghoy ang inyong mga kapistahan, at taghoy ang lahat ninyong awit; at ako'y maglalagay ng kayong magaspang sa lahat na balakang, at kakalbuhan sa bawa't ulo; at aking gagawing gaya ng pagtaghoy sa isang bugtong na anak, at ang wakas niyaon ay gaya ng mapanglaw na araw. Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoong Dios, na ako'y magpapasapit ng kagutom sa lupain, hindi kagutom sa tinapay, o kauhawan man dahil sa tubig, kundi sa pagkarinig ng mga salita ng Panginoon. At sila'y magsisilaboy sa dagat at dagat, at mula sa hilagaan hanggang sa silanganan; sila'y magsisitakbo ng paroo't parito upang hanapin ang salita ng Panginoon, at hindi masusumpungan. Sa araw na yaon ay manglulupaypay sa uhaw ang mga magandang dalaga at ang mga binata. Silang nagsisisumpa sa pamamagitan ng kasalanan ng Samaria, at nagsasabi, Buhay ang Dios mo, Oh Dan; at, Buhay ang daan ng Beer-seba; sila'y mangabubuwal, at kailan may hindi na mangakababangon.
Amos 8:7-14 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sumumpa si Yahweh, ang Diyos ng Israel, “Hindi ko na mapapatawad ang masasama nilang gawa. Magkakaroon ng lindol sa lupa at mananangis ang bawat isa. Mayayanig ang buong bayan; tataas-bababâ ito na tulad ng Ilog Nilo.” Sa araw na iyon, sabi ng Panginoong Yahweh, “Lulubog ang araw sa katanghaliang-tapat, at magdidilim sa buong maghapon. Ang iyong kapistahan ay gagawin kong araw ng kapighatian; at ang masasayang awitin ninyo'y magiging panaghoy. Pipilitin ko kayong magsuot ng panluksa, at mapipilitan kayong mag-ahit ng ulo. Matutulad kayo sa magulang na nagdadalamhati, dahil sa pagkamatay ng kaisa-isang anak. Ang araw na iyon ay magiging mapait hanggang sa wakas.” Sinabi ng Panginoong Yahweh, “Darating din ang araw na papairalin ko sa lupain ang taggutom. Magugutom sila ngunit hindi sa pagkain; mauuhaw sila ngunit hindi sa tubig, kundi sa pakikinig ng aking mga salita. Mula sa hilaga papuntang timog, mula sa silangan hanggang sa kanluran, hahanapin nila ang salita ni Yahweh, subalit iyon ay hindi nila matatagpuan. Dahil sa matinding pagkauhaw na ito, mawawalan ng malay-tao ang magagandang dalaga at ang malalakas na binata. Ang mga sumusumpa sa pangalan ng mga diyus-diyosan sa Samaria, ang mga nagsasabing, ‘Sa ngalan ng diyos ng Dan,’ at ‘Sa ngalan ng diyos ng Beer-seba,’ sila'y mabubuwal at hindi na makakabangon pa.”
Amos 8:7-14 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)