Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Amos 9:2-15

Amos 9:2-15 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)

Humukay man sila patungo sa daigdig ng mga patay, aabutan ko pa rin sila. Umakyat man sila sa langit, hihilahin ko silang pababa mula roon. Kung magtago man sila sa Bundok ng Carmel, tutugisin ko sila't huhulihin. Magtago man sila sa kalaliman ng dagat, uutusan ko ang dambuhala sa dagat upang sila'y lamunin. Kung bihagin man sila ng kanilang kaaway, iuutos kong sila'y patayin sa pamamagitan ng tabak. Ipinasya ko nang puksain sila at hindi tulungan.” Si Yahweh, ang Makapangyarihang Panginoon, siya na humipo sa lupa at iyon ay natutunaw, at ang lahat ng naroon ay nagdadalamhati. Dahil dito'y ang buong lupain ay tumataas gaya ng Ilog Nilo, at bumababa gaya ng ilog sa Egipto. Siya na gumagawa ng mga silid doon sa kalangitan, at naglalagay ng pundasyon nito sa ibabaw ng lupa, inipon niya ang tubig sa dagat, at ibinubuhos iyon sa lupa. Yahweh ang kanyang pangalan! Sinasabi ni Yahweh, “Para sa akin, kayong mga taga-Israel, ay kapantay lang ng mga taga-Etiopia. Hinango ko ang Israel mula sa Egipto; iniahon ko ang mga Filisteo sa Caftor at ang mga taga-Siria mula sa Kir. Ako ang Panginoong Yahweh na nagmamasid sa makasalanang kaharian ng Israel. Lilipulin ko sila sa balat ng lupa, ngunit di ko lubusang pupuksain ang lahi ni Jacob. “Iuutos kong ligligin ang bayan ng Israel kasama ng lahat ng bansa; tulad ng pag-alog sa salaan, ngunit walang butil na babagsak sa lupa. Ang mga makasalanan sa aking bayan ay masasawi sa digmaan; lahat ng nagsasabing, ‘Hindi ipahihintulot ng Diyos na tayo'y mapahamak.’” “Sa araw na iyon, ibabangon kong muli ang nawasak na kaharian ni David, at aayusin kong muli ang mga nasirang dako. Ibabalik ang mga guho; itatayo kong muli iyon, kagaya noong una. Sa gayon ay sasakupin ng Israel ang nalalabi sa lupain ng Edom at ang lahat ng bansang dati'y aking pag-aari,” sabi ni Yahweh na siyang gagawa ng mga bagay na ito. Sinabi rin ni Yahweh, “Darating ang panahon, mag-aararo ang magbubukid habang nag-aani pa ang manggagapas; at maghahasik na ng binhi ng ubas ang magsasaka habang gumagawa pa ng alak ang mag-aalak. Dadaloy sa mga bundok ang bagong alak, at masaganang aagos sa mga burol. Ibabalik ko sa kanilang lupain ang aking bayan. Itatayo nilang muli ang kanilang mga lunsod na nawasak, at doon sila maninirahan. Tatamnan nilang muli ang mga ubasan at sila'y iinom ng alak. Magtatanim silang muli sa mga halamanan at kakain ng mga bunga niyon. Ibabalik ko ang Israel sa lupaing ibinigay ko sa kanila, at hindi na sila maaalis pang muli roon.” Si Yahweh na inyong Diyos ang nagsasalita.

Amos 9:2-15 Ang Salita ng Dios (ASND)

Kahit magtago pa sila sa ilalim ng lupa, sa lugar ng mga patay, kukunin ko pa rin sila. Kahit na umakyat pa sila sa langit, hihilahin ko pa rin sila pababa. Kahit na magtago pa sila sa tuktok ng Bundok ng Carmel, hahanapin ko sila roon at huhulihin. Magtago man sila sa kailaliman ng dagat, uutusan ko ang ahas na tuklawin sila. Kahit na bihagin sila ng kanilang mga kaaway, ipapapatay ko pa rin sila. Dahil desidido na akong lipulin sila at huwag nang tulungan.” Kapag hinipo ng Panginoong DIOS na Makapangyarihan ang lupa, mayayanig ito at mag-iiyakan ang lahat ng naninirahan dito. Ang pagyanig nito ay parang pagtaas at pagbaba ng tubig sa Ilog ng Nilo sa Egipto. Ang Dios ang gumawa ng kanyang sariling tirahan sa langit. At siya ang gumawa ng kalawakan sa itaas ng lupa. Siya rin ang nag-iipon ng tubig-dagat sa mga alapaap at pinauulan ito sa lupa. Ang pangalan niyaʼy PANGINOON. Sinabi ng PANGINOON, “Ang turing ko sa inyo na mga taga-Israel ay katulad lang sa mga taga-Etiopia. Totoong inilabas ko kayo sa Egipto, pero inilabas ko rin ang mga Filisteo sa Caftor at ang mga Arameo sa Kir. Ako, ang Panginoong DIOS ay nagmamanman sa inyong makasalanang kaharian. At lilipulin ko kayo hanggang sa mawala kayo ng lubusan sa mundo. Pero may ilang matitira sa inyo na mga lahi ni Jacob. Ako, ang PANGINOON, ang nagsasabi nito. Tingnan ninyo! Mag-uutos na ako; sasalain ko kayong mga mamamayan ng Israel kasama ng lahat ng bansa, tulad ng pagsala sa mga butil. At kung paanong hindi nakakalusot ang maliliit na bato sa salaan, hindi rin makakalusot sa akin ang masasama sa inyo, kundi mamamatay silang lahat sa digmaan, silang mga nagsasabi na wala raw masamang mangyayari sa kanila. “Darating ang araw na muli kong itatayo ang kaharian ni David na tulad sa kubong nawasak. Aayusin ko ito sa kanyang pagkakagiba at itatayong muli kagaya noong una, upang masakop ng mga Israelita ang natitirang lupain ng Edom at ang iba pang mga bansa na sinakop nila noon, na itinuring kong akin. Ako, ang PANGINOON, ang nagsasabi nito, at gagawin ko ang mga bagay na ito.” Sinabi pa ng PANGINOON tungkol sa mga taga-Israel, “Darating ang araw na magiging masagana ang kanilang ani, hindi pa nga nila natatapos ang pag-aani, sinisimulan na naman ang pag-aararo. At hindi pa natatapos ang pagpisa ng ubas, panahon na naman ng pagtatanim nito. Kung titingnan ang napakaraming ubas na namumunga sa mga bundok at burol, para bang dumadaloy ang matamis na bagong katas nito. Pababalikin ko ang mga mamamayan kong Israelita sa kanilang lupain mula sa pagkakabihag. Muli nilang itatayo ang kanilang mga nasirang bayan at doon na sila maninirahan. Magtatanim sila ng ubas at iinom ng katas nito. Magtatanim sila sa kanilang mga halamanan, at kakainin nila ang mga bunga nito. Patitirahin ko silang muli sa lupaing ibinigay ko sa kanila at hindi na muling paaalisin.” Ito nga ang sinabi ng PANGINOON na inyong Dios.

Amos 9:2-15 Ang Biblia (TLAB)

Bagaman sila'y humukay hanggang sa Sheol, mula roo'y kukunin sila ng aking kamay; at bagaman sila'y sumampa hanggang sa langit, mula roo'y ibababa ko sila. At bagaman sila'y magsipagtago sa taluktok ng Carmelo, aking hahanapin at kukunin sila mula roon; at bagaman sila'y magsikubli sa aking paningin sa gitna ng dagat, mula roo'y uutusan ko ang ahas, at tutukain niyaon sila. At bagaman sila'y magsipasok sa pagkabihag sa harap ng kanilang mga kaaway, mula roon ay aking uutusan ang tabak, at papatayin niyaon sila: at aking itititig ang aking mga mata sa kanila sa ikasasama, at hindi sa ikabubuti. Sapagka't ang Panginoon, ang Dios ng mga hukbo, ay siyang humihipo ng lupain at natutunaw, at lahat na nagsisitahan doon ay magsisitangis; at babangong samasama na gaya ng Ilog, at lulubog uli, na gaya ng Ilog ng Egipto; Siya na gumawa ng kaniyang mga silid sa langit, at kumatha ng kaniyang balantok sa lupa; siya na tumatawag ng tubig sa dagat at ibinubugso sa ibabaw ng lupa; Panginoon ang kaniyang pangalan. Di baga kayo'y parang mga anak ng mga taga Etiopia sa akin, Oh mga anak ni Israel? sabi ng Panginoon. Hindi ko baga pinasampa ang Israel mula sa lupain ng Egipto, at ang mga Filisteo, ay mula sa Caphtor, at ang mga taga Siria ay sa Chir? Narito, ang mga mata ng Panginoong Dios ay nasa makasalanang kaharian, at aking ipapahamak mula sa ibabaw ng lupa; liban na hindi ko lubos na ipapahamak ang sangbahayan ni Jacob, sabi ng Panginoon. Sapagka't, narito, ako'y maguutos, at aking sasalain ang sangbahayan ni Israel sa gitna ng lahat na bansa, gaya ng trigo na nabithay sa isang bithay, gayon ma'y hindi malalaglag sa lupa ang pinakamaliit na butil. Lahat na makasalanan sa aking bayan ay mangamamatay sa pamamagitan ng tabak, na nangagsasabi, Ang kasamaan ay hindi aabot sa atin o mauuna man sa atin. Sa araw na yaon ay ibabangon ko ang tabernakulo ni David na buwal, at tatakpan ko ang mga sira niyaon; at ibabangon ko ang mga guho niyaon, at aking itatayo na gaya ng mga araw ng una; Upang kanilang ariin ang nalabi sa Edom, at ang lahat na bansa na mga tinatawag sa aking pangalan, sabi ng Panginoon na gumagawa nito, Narito, ang mga kaarawan ay dumarating, sabi ng Panginoon, na aabutan ng mangaararo ang mangaani, at ng mamimisa ng ubas ang magtatanim ng binhi; at ang mga bundok ay papatak ng matamis na alak, at lahat na burol ay mangatutunaw. At akin uling ibabalik ang nangabihag sa aking bayang Israel, at kanilang itatayo ang mga wasak na bayan, at tatahanan nila; at sila'y mangaguubasan, at magsisiinom ng alak niyaon; magsisigawa rin sila ng mga halamanan, at magsisikain ng bunga ng mga yaon. At aking itatatag sila sa kanilang lupain; at hindi na sila mabubunot pa sa kanilang lupain, na aking ibinigay sa kanila, sabi ng Panginoon mong Dios.

Amos 9:2-15 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)

Humukay man sila patungo sa daigdig ng mga patay, aabutan ko pa rin sila. Umakyat man sila sa langit, hihilahin ko silang pababa mula roon. Kung magtago man sila sa Bundok ng Carmel, tutugisin ko sila't huhulihin. Magtago man sila sa kalaliman ng dagat, uutusan ko ang dambuhala sa dagat upang sila'y lamunin. Kung bihagin man sila ng kanilang kaaway, iuutos kong sila'y patayin sa pamamagitan ng tabak. Ipinasya ko nang puksain sila at hindi tulungan.” Si Yahweh, ang Makapangyarihang Panginoon, siya na humipo sa lupa at iyon ay natutunaw, at ang lahat ng naroon ay nagdadalamhati. Dahil dito'y ang buong lupain ay tumataas gaya ng Ilog Nilo, at bumababa gaya ng ilog sa Egipto. Siya na gumagawa ng mga silid doon sa kalangitan, at naglalagay ng pundasyon nito sa ibabaw ng lupa, inipon niya ang tubig sa dagat, at ibinubuhos iyon sa lupa. Yahweh ang kanyang pangalan! Sinasabi ni Yahweh, “Para sa akin, kayong mga taga-Israel, ay kapantay lang ng mga taga-Etiopia. Hinango ko ang Israel mula sa Egipto; iniahon ko ang mga Filisteo sa Caftor at ang mga taga-Siria mula sa Kir. Ako ang Panginoong Yahweh na nagmamasid sa makasalanang kaharian ng Israel. Lilipulin ko sila sa balat ng lupa, ngunit di ko lubusang pupuksain ang lahi ni Jacob. “Iuutos kong ligligin ang bayan ng Israel kasama ng lahat ng bansa; tulad ng pag-alog sa salaan, ngunit walang butil na babagsak sa lupa. Ang mga makasalanan sa aking bayan ay masasawi sa digmaan; lahat ng nagsasabing, ‘Hindi ipahihintulot ng Diyos na tayo'y mapahamak.’” “Sa araw na iyon, ibabangon kong muli ang nawasak na kaharian ni David, at aayusin kong muli ang mga nasirang dako. Ibabalik ang mga guho; itatayo kong muli iyon, kagaya noong una. Sa gayon ay sasakupin ng Israel ang nalalabi sa lupain ng Edom at ang lahat ng bansang dati'y aking pag-aari,” sabi ni Yahweh na siyang gagawa ng mga bagay na ito. Sinabi rin ni Yahweh, “Darating ang panahon, mag-aararo ang magbubukid habang nag-aani pa ang manggagapas; at maghahasik na ng binhi ng ubas ang magsasaka habang gumagawa pa ng alak ang mag-aalak. Dadaloy sa mga bundok ang bagong alak, at masaganang aagos sa mga burol. Ibabalik ko sa kanilang lupain ang aking bayan. Itatayo nilang muli ang kanilang mga lunsod na nawasak, at doon sila maninirahan. Tatamnan nilang muli ang mga ubasan at sila'y iinom ng alak. Magtatanim silang muli sa mga halamanan at kakain ng mga bunga niyon. Ibabalik ko ang Israel sa lupaing ibinigay ko sa kanila, at hindi na sila maaalis pang muli roon.” Si Yahweh na inyong Diyos ang nagsasalita.

Amos 9:2-15 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)