Mga Taga-Colosas 2:16-17
Mga Taga-Colosas 2:16-17 Ang Biblia (TLAB)
Sinoman nga ay huwag humatol sa inyo tungkol sa pagkain, o sa paginom, o tungkol sa kapistahan, o bagong buwan o araw ng sabbath: Na isang anino ng mga bagay na magsisidating: nguni't ang katawan ay kay Cristo.
Mga Taga-Colosas 2:16-17 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kaya't huwag na kayong magpapasakop pa sa anumang alituntunin tungkol sa pagkain o inumin, tungkol sa mga kapistahan, sa bagong buwan o sa Araw ng Pamamahinga. Ang mga ito'y anyo lamang ng mga bagay na darating, ngunit si Cristo ang katuparan ng lahat ng ito.
Mga Taga-Colosas 2:16-17 Ang Salita ng Dios (ASND)
Kaya nga, huwag na kayong padadala sa mga tao na nagsasabi sa inyo kung ano ang hindi dapat kainin o inumin, o kung ano ang dapat gawin tuwing kapistahan, Pista ng Pagsisimula ng Buwan, o Araw ng Pamamahinga. Anino lang ang mga ito ng inaasahan noon na darating, at si Cristo ang katuparan nito.
Mga Taga-Colosas 2:16-17 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)