Mga Taga-Colosas 4:5-6
Mga Taga-Colosas 4:5-6 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Maging matalino kayo sa pakikitungo sa mga hindi nananampalataya at pahalagahan ninyo ang bawat pagkakataon. Sikapin ninyong laging maging kaaya-aya at kapaki-pakinabang ang inyong pananalita sa kanila, at matuto kayong sumagot nang tama sa sinumang nagtatanong.
Mga Taga-Colosas 4:5-6 Ang Salita ng Dios (ASND)
Maging matalino kayo sa pakikitungo sa mga hindi mananampalataya, at samantalahin nʼyo ang lahat ng pagkakataon na maibahagi ang pananampalataya nʼyo. Kung nakikipag-usap kayo sa kanila, gumamit kayo ng mga kawili-wiling salita para makinig sila sa inyo, at dapat alam nʼyo kung paano sumagot sa tanong ng bawat isa.
Mga Taga-Colosas 4:5-6 Ang Biblia (TLAB)
Magsilakad kayo na may karunungan sa nangasa labas, na inyong samantalahin ang panahon. Ang inyong pananalita nawa'y laging may biyaya, na magkalasang asin, upang inyong maalaman kung ano ang nararapat ninyong isagot sa bawa't isa.
Mga Taga-Colosas 4:5-6 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Maging matalino kayo sa pakikitungo sa mga hindi nananampalataya at pahalagahan ninyo ang bawat pagkakataon. Sikapin ninyong laging maging kaaya-aya at kapaki-pakinabang ang inyong pananalita sa kanila, at matuto kayong sumagot nang tama sa sinumang nagtatanong.
Mga Taga-Colosas 4:5-6 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)