Daniel 8:19-21
Daniel 8:19-21 Ang Salita ng Dios (ASND)
Sinabi niya, “Sasabihin ko sa iyo kung ano ang mangyayari sa hinaharap kapag ibinuhos na ng Dios ang kanyang galit, dahil naitakda na ang katapusan ng panahon. Ang tupang may dalawang sungay ay ang kaharian ng Media at Persia. Ang kambing naman ay ang kaharian ng Grecia, at ang malaking sungay sa gitna ng kanyang mga mata ay ang unang hari.
Daniel 8:19-21 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sinabi niya sa akin, “Sasabihin ko sa iyo kung ano ang mangyayari sa katapusan ng panahon kapag ipinakita na ng Diyos ang kanyang poot. Ang dalawang sungay ng barakong tupa na nakita mo ay ang mga hari ng Media at Persia. Ang barakong kambing ay ang hari ng Grecia at ang malaking sungay sa pagitan ng kanyang mga mata ay ang unang hari.
Daniel 8:19-21 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sinabi niya sa akin, “Sasabihin ko sa iyo kung ano ang mangyayari sa katapusan ng panahon kapag ipinakita na ng Diyos ang kanyang poot. Ang dalawang sungay ng barakong tupa na nakita mo ay ang mga hari ng Media at Persia. Ang barakong kambing ay ang hari ng Grecia at ang malaking sungay sa pagitan ng kanyang mga mata ay ang unang hari.
Daniel 8:19-21 Ang Biblia (TLAB)
At kaniyang sinabi, Narito, aking ipaaaninaw sa iyo kung ano ang mangyayari sa huling panahon ng pagkagalit; sapagka't ukol sa takdang panahon ng kawakasan. Ang lalaking tupa na iyong nakita, na may dalawang sungay, ang mga yaon ang mga hari sa Media at Persia. At ang may magaspang na balahibo na lalaking kambing ay siyang hari sa Grecia: at ang malaking sungay na nasa pagitan ng kaniyang mga mata ay siyang unang hari.
Daniel 8:19-21 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)