Deuteronomio 11:20-21
Deuteronomio 11:20-21 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Isulat ninyo ito sa mga hamba ng pintuan ng inyong bahay at tarangkahan upang kayo at ang inyong mga anak ay mabuhay nang matagal sa lupaing ipinangako ni Yahweh sa inyong mga ninuno. Mananatili kayo roon hangga't ang langit ay nasa ibabaw ng lupa.
Deuteronomio 11:20-21 Ang Salita ng Dios (ASND)
Isulat ninyo ito sa mga hamba ng inyong mga pintuan at sa pintuan ng inyong lungsod, para kayo at ang inyong mga anak ay mabuhay nang matagal doon sa lupaing ipinangako ng PANGINOON na ibibigay sa inyong mga ninuno. Maninirahan kayo rito hanggaʼt may langit sa ibabaw ng mundo.
Deuteronomio 11:20-21 Ang Biblia (TLAB)
At iyong isusulat sa itaas ng pintuan ng iyong bahay, at sa iyong mga pintuang-daan: Upang ang inyong mga araw ay dumami at ang mga araw ng inyong mga anak, sa lupain na isinumpa ng Panginoon sa inyong mga magulang na ibibigay sa kanila, gaya ng mga araw ng langit sa ibabaw ng lupa.
Deuteronomio 11:20-21 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Isulat ninyo ito sa mga hamba ng pintuan ng inyong bahay at tarangkahan upang kayo at ang inyong mga anak ay mabuhay nang matagal sa lupaing ipinangako ni Yahweh sa inyong mga ninuno. Mananatili kayo roon hangga't ang langit ay nasa ibabaw ng lupa.
Deuteronomio 11:20-21 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)