Ang Mangangaral 2:24-25
Ang Mangangaral 2:24-25 Ang Biblia (TLAB)
Walang maigi sa tao kundi ang kumain at uminom, at pagalaking mabuti ang kaniyang kaluluwa sa kaniyang gawa. Ito man ay aking nakita na mula sa kamay ng Dios. Sapagka't sinong makakakain, o sinong makapagtataglay ng kagalakang higit kay sa akin?
Ang Mangangaral 2:24-25 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang mabuti pa sa tao'y kumain at uminom, at pakinabangan ang bunga ng kanyang pinagpaguran. Alam kong ang lahat ng ito ay kaloob ng Diyos. Kung wala ang Diyos, sino pa ba ang makakakain o makakaranas ng kasiyahan?
Ang Mangangaral 2:24-25 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ang pinakamagandang gawin ng tao ay kumain, uminom at pakinabangan ang mga pinaghirapan niya. Nalaman ko na galing ito sa Dios, dahil paano natin makakain at mapapakinabangan ang mga pinaghirapan natin kung hindi ito ibibigay ng Dios?
Ang Mangangaral 2:24-25 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang mabuti pa sa tao'y kumain at uminom, at pakinabangan ang bunga ng kanyang pinagpaguran. Alam kong ang lahat ng ito ay kaloob ng Diyos. Kung wala ang Diyos, sino pa ba ang makakakain o makakaranas ng kasiyahan?
Ang Mangangaral 2:24-25 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)