Mga Taga-Efeso 4:25-28
Mga Taga-Efeso 4:25-28 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Dahil dito, itakwil na natin ang pagsisinungaling at tayong lahat ay magsabi ng totoo sa isa't isa, sapagkat tayo'y bahagi ng iisang katawan. Kung magagalit man kayo, iwasan ninyo ang kayo'y magkasala. Huwag ninyong hayaang lumubog ang araw na galit pa rin kayo. Huwag ninyong bigyan ng pagkakataon ang diyablo. Ang magnanakaw ay huwag nang magnakaw; sa halip, maghanap siya ng marangal na ikabubuhay para makatulong sa mga nangangailangan.
Mga Taga-Efeso 4:25-28 Ang Salita ng Dios (ASND)
Kaya huwag na kayong magsisinungaling. Ang bawat isaʼy magsabi ng katotohanan sa kanyang mga kapatid kay Cristo, dahil kabilang tayong lahat sa iisang katawan. Kung magalit man kayo, huwag kayong magkasala. At huwag nʼyong hayaan na lumipas ang araw na galit pa rin kayo. Huwag ninyong bigyan ng pagkakataon si Satanas. Ang magnanakaw ay huwag nang magnakaw, sa halip ay maghanapbuhay siya nang marangal para makatulong din siya sa mga nangangailangan.
Mga Taga-Efeso 4:25-28 Ang Biblia (TLAB)
Kaya nga, pagkatakuwil ng kasinungalingan, ay magsasalita ang bawa't isa sa inyo ng katotohanan sa kaniyang kapuwa: sapagka't tayo'y mga sangkap na isa't isa sa atin. Kayo'y mangagalit at huwag kayong mangakasala: huwag lumubog ang araw sa inyong galit: Ni bigyan daan man ang diablo. Ang nagnanakaw ay huwag nang magnakaw pa: bagkus magpagal, na igawa ang kaniyang mga kamay ng mabuting bagay, upang siya'y may maibigay sa nangangailangan.
Mga Taga-Efeso 4:25-28 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Dahil dito, itakwil na natin ang pagsisinungaling at tayong lahat ay magsabi ng totoo sa isa't isa, sapagkat tayo'y bahagi ng iisang katawan. Kung magagalit man kayo, iwasan ninyo ang kayo'y magkasala. Huwag ninyong hayaang lumubog ang araw na galit pa rin kayo. Huwag ninyong bigyan ng pagkakataon ang diyablo. Ang magnanakaw ay huwag nang magnakaw; sa halip, maghanap siya ng marangal na ikabubuhay para makatulong sa mga nangangailangan.
Mga Taga-Efeso 4:25-28 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)