Ezekiel 39:28
Ezekiel 39:28 Ang Salita ng Dios (ASND)
At malalaman nila na ako ang PANGINOON na kanilang Dios. Sapagkat kahit ipinabihag ko sila sa ibang mga bansa, ibinalik ko rin silang lahat sa lupain nila at wala akong iniwan kahit isa.
Ezekiel 39:28 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sa gayon, makikilala ng Israel na ako si Yahweh na kanilang Diyos sapagkat itinapon ko sila sa lahat ng panig ng daigdig at pagkatapos ay muling tinipon sa sarili nilang lupain. Titipunin ko silang lahat at walang matitira isa man sa ibang bansa.
Ezekiel 39:28 Ang Biblia (TLAB)
At kanilang malalaman na ako ang Panginoon nilang Dios, sa pagpapapasok ko sa kanila sa pagkabihag sa gitna ng mga bansa, at sa pagpipisan ko sa kanila sa kanilang sariling lupain; at hindi ako magiiwan sa kanila ng sino pa man doon
Ezekiel 39:28 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sa gayon, makikilala ng Israel na ako si Yahweh na kanilang Diyos sapagkat itinapon ko sila sa lahat ng panig ng daigdig at pagkatapos ay muling tinipon sa sarili nilang lupain. Titipunin ko silang lahat at walang matitira isa man sa ibang bansa.
Ezekiel 39:28 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)