Genesis 12:4
Genesis 12:4-5 Ang Salita ng Dios (ASND)
Kaya umalis si Abram sa Haran at pumunta sa Canaan, ayon sa sinabi ng PANGINOON sa kanya. Nasa 75 taong gulang noon si Abram. Sumama sa kanya ang pamangkin niyang si Lot. Kasama rin niya ang asawa niyang si Sarai at ang lahat ng ari-arian at aliping natipon nila sa Haran.
Ibahagi
Basahin Genesis 12Genesis 12:4 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sumunod nga si Abram sa utos ni Yahweh; nilisan niya ang Haran noong siya'y pitumpu't limang taon. Sumama sa kanya si Lot.
Ibahagi
Basahin Genesis 12Genesis 12:4 Ang Biblia (TLAB)
Kaya't yumaon si Abram, ayon sa sinalita sa kaniya ng Panginoon; at si Lot ay sumama sa kaniya: at si Abram ay may pitong pu't limang taon, nang umalis sa Haran.
Ibahagi
Basahin Genesis 12