Genesis 2:18-25
Genesis 2:18-25 Ang Salita ng Dios (ASND)
Pagkatapos, sinabi ng PANGINOONG Dios, “Hindi mabuting mabuhay ang tao nang nag-iisa lang, kaya igagawa ko siya ng kasama na tutulong sa kanya at nararapat sa kanya.” Nilikha ng PANGINOONG Dios mula sa lupa ang lahat ng uri ng hayop na nakatira sa lupa pati ang lahat ng uri ng hayop na lumilipad. Pagkatapos, dinala niya ang mga ito sa tao para tingnan kung ano ang ipapangalan nito sa kanila. At kung ano ang itatawag ng tao sa kanila, iyon ang magiging pangalan nila. Kaya pinangalanan ng tao ang mga hayop na nakatira sa lupa pati ang mga hayop na lumilipad. Pero para kay Adan, wala kahit isa sa kanila ang nararapat na maging kasama niya na makakatulong sa kanya. Kaya pinatulog ng PANGINOONG Dios ang tao nang mahimbing. At habang natutulog siya, kinuha ng PANGINOONG Dios ang isa sa mga tadyang ng lalaki at pinaghilom agad ang pinagkuhanan nito. Ang tadyang na kinuha ng PANGINOONG Dios sa lalaki ay nilikha niyang babae, at dinala niya sa lalaki. Sinabi ng lalaki, “Narito na ang isang tulad ko! Buto na kinuha sa aking mga buto, at laman na kinuha sa aking laman. Tatawagin siyang ‘babae,’ dahil kinuha siya mula sa lalaki.” Iyan ang dahilan na iiwan ng lalaki ang kanyang amaʼt ina at makikipag-isa sa kanyang asawa, at silang dalawa ay magiging isa. Nang panahong iyon, kahit huboʼt hubad silang dalawa, hindi sila nahihiya.
Genesis 2:18-25 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Matapos gawin ang lahat ng ito, sinabi ng PANGINOONG Yahweh, “Hindi mabuti na mag-isa ang tao; bibigyan ko siya ng isang angkop na makakasama at makakatulong.” Kaya, mula sa lupa ay lumikha ang PANGINOONG Yahweh ng mga hayop sa parang at mga ibon sa himpapawid, dinala niya ang mga ito sa tao upang ipaubaya rito ang pagbibigay ng pangalan sa mga iyon. Kung ano ang kanyang itinawag, iyon ang naging pangalan ng mga ito. Ang tao nga ang nagbigay ng pangalan sa lahat ng ibon sa himpapawid at hayop sa parang. Ngunit wala isa man sa mga ito ang nababagay na makasama at makatulong niya. Kaya't pinatulog ng PANGINOONG Yahweh ang tao. Samantalang nahihimbing, kinuha niya ang isang tadyang nito at pinaghilom ang laman sa tapat niyon. Ang tadyang na iyo'y ginawa niyang isang babae, at dinala niya ito sa lalaki. Sinabi ng lalaki, “Sa wakas, narito ang isang tulad ko, laman ng aking laman, buto ng aking buto; babae ang itatawag sa kanya, sapagkat sa lalaki siya'y kinuha.” Ito ang dahilan kaya iniiwan ng lalaki ang kanyang ama't ina, nagsasama sila ng kanyang asawa, at sila'y nagiging isa. Kapwa hubad noon ang lalaki at ang babae, ngunit hindi sila nahihiya.
Genesis 2:18-25 Ang Biblia (TLAB)
At sinabi ng Panginoong Dios, Hindi mabuti na ang lalake ay magisa; siya'y ilalalang ko ng isang katulong niya. At nilalang ng Panginoong Dios sa lupa ang lahat ng hayop sa parang at ang lahat ng ibon sa himpapawid; at pinagdadala sa lalake upang maalaman kung anong itatawag niya sa mga iyon: at ang bawa't itinawag ng lalake sa bawa't kinapal na may buhay ay yaon ang naging pangalan niyaon. At pinanganlan ng lalake ang lahat ng mga hayop, at ang mga ibon sa himpapawid, at ang bawa't ganid sa parang; datapuwa't sa lalake ay walang nasumpungang maging katulong niya. At hinulugan ng Panginoong Dios ng di kawasang himbing ang lalake, at siya'y natulog: at kinuha ang isa sa kaniyang mga tadyang at pinapaghilom ang laman sa dakong yaon: At ang tadyang na kinuha ng Panginoong Dios sa lalake ay ginawang isang babae, at ito'y dinala niya sa lalake. At sinabi ng lalake, Ito nga'y buto ng aking mga buto at laman ng aking laman: siya'y tatawaging Babae, sapagka't sa Lalake siya kinuha. Kaya't iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ang kaniyang ina, at makikipisan sa kaniyang asawa: at sila'y magiging isang laman. At sila'y kapuwa hubad, ang lalake at ang kaniyang asawa, at sila'y hindi nagkakahiyaan.
Genesis 2:18-25 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)

Genesis 2:18-25 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)