Genesis 48:15-16
Genesis 48:15-16 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
At sila'y binasbasan, “Pagpalain nawa kayo at palaging subaybayan, ng Diyos na pinaglingkuran ni Isaac at ni Abraham; ng Diyos na sa aki'y nangalaga't pumatnubay, simula sa pagkabata't magpahanggang ngayon man. At pati na ang anghel na sa akin ay nagligtas, pagpalain nawa kayo, tanggapin ang kanyang basbas; maingatan nawa ninyo at taglayin oras-oras ang ngalan ko, at ang ngalan ni Abraham at ni Isaac. Nawa kayo ay lumago, dumami at lumaganap.”
Genesis 48:15-16 Ang Salita ng Dios (ASND)
Pagkatapos, binasbasan niya ang mga ito na sinasabi, “Nawaʼy pagpalain ang mga batang ito ng Dios na pinaglingkuran ng aking mga ninuno na sina Abraham at Isaac, na siya ring Dios na nagbabantay sa akin simula nang ipinanganak ako hanggang ngayon. At nawaʼy pagpalain din sila ng anghel na nagligtas sa akin sa lahat ng kapahamakan. Nawaʼy maalala ako at ang aking mga ninunong sina Abraham at Isaac sa pamamagitan nila. At nawaʼy dumami pa sila sa mundo.”
Genesis 48:15-16 Ang Biblia (TLAB)
At kaniyang binasbasan si Jose, at sinabi, Ang Dios na sa harap niya ay lumakad ang aking mga magulang na si Abraham at si Isaac, ang Dios na nagpakain sa akin sa buong buhay ko hanggang sa araw na ito, Ang anghel na tumubos sa akin sa buong kasamaan, ay siya nawang magpala sa mga batang ito; at tawagin nawa sila sa aking pangalan, at sa pangalan ng aking mga magulang na si Abraham at si Isaac; at magsidami nawa silang totoo sa ibabaw ng lupa.
Genesis 48:15-16 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
At sila'y binasbasan, “Pagpalain nawa kayo at palaging subaybayan, ng Diyos na pinaglingkuran ni Isaac at ni Abraham; ng Diyos na sa aki'y nangalaga't pumatnubay, simula sa pagkabata't magpahanggang ngayon man. At pati na ang anghel na sa akin ay nagligtas, pagpalain nawa kayo, tanggapin ang kanyang basbas; maingatan nawa ninyo at taglayin oras-oras ang ngalan ko, at ang ngalan ni Abraham at ni Isaac. Nawa kayo ay lumago, dumami at lumaganap.”
Genesis 48:15-16 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)