Genesis 49:1-15 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon
Genesis 49:1-15 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Ipinatawag ni Jacob ang kanyang mga anak at sinabi, “Lumapit kayo sa akin, at sasabihin ko sa inyo ang mangyayari sa inyo sa hinaharap: “Kayo mga anak, magsilapit sa akin, akong inyong ama ay sumandaling dinggin. “Si Ruben ang aking panganay na anak, sa lahat kong supling ay pinakamalakas; mapusok ang loob, baha ang katulad, bawat madaanan ay sumasambulat. Sa kabila nito'y hindi ka sisikat, hindi mangunguna, hindi matatanyag; pagkat ang ama mo ay iyong hinamak, dangal ng aliping-asawa ko ay iyong winasak. “Simeon at Levi na magkapatid, ang sandata ninyo'y ipinanlulupig; sa usapan ninyo'y di ako sasali, sa inyong gawain, hindi babahagi. Kapag nagagalit agad pumapatay, lumpo pati hayop kung makatuwaan. Kayo'y susumpain, sa bangis at galit, sa ugali ninyo na mapagmalabis; kayo'y magkawatak-watak sa buong lupain, sa buong Israel ay pangangalatin. “Ikaw naman, Juda, ay papupurihan niyong mga anak ng ina mong mahal, hawak mo sa leeg ang iyong kaaway, lahat mong kapatid sa iyo'y gagalang. Mabangis na leon ang iyong larawan, muling nagkukubli matapos pumatay; ang tulad ni Juda'y leong nahihimlay, walang mangangahas lumapit sinuman. Setrong sagisag ng lakas at kapangyarihan sa kanya kailanma'y hindi lilisan; mga bansa sa kanya'y magkakaloob, mga angkan sa kanya'y maglilingkod. Batang asno niya doon natatali, sa puno ng ubas na tanging pinili; mga damit niya'y doon nilalabhan, sa alak ng ubas na lubhang matapang. Mata'y namumula dahilan sa alak, ngipi'y pumuputi sa inuming gatas. “Sa baybaying-dagat doon ka, Zebulun, ang sasakyang-dagat sa iyo kakanlong; ang iyong lupai'y aabot sa Sidon. “Malakas na asno ang katulad mo, Isacar, ngunit sa kulungan ka maglulumagak. Nang kanyang makita iyong pahingahan, ang lupain doo'y tunay na mainam, tiniis na niyang makuba sa pasan, nagpaalipin na kahit mahirapan.
Genesis 49:1-15 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Pagkatapos, tinawag ni Jacob ang mga anak niyang lalaki, at sinabi, “Lumapit kayo rito at sasabihin ko sa inyo kung ano ang mangyayari sa inyo sa darating na panahon. Lumapit kayo, mga anak ni Jacob; makinig kayo sa inyong amang si Israel. “Ikaw, Ruben, na aking panganay, ang aking lakas at bunga ng aking pagkalalaki. Nangunguna ka sa karangalan at nangunguna rin sa kapangyarihan. Maligalig kang gaya ng tubig at hindi ka mapigilan kaya hindi na ikaw ang nasa unahan. Sapagkat dinumihan mo ang aking higaan at ang aking dangal ay iyong dinungisan. “Sina Simeon at Levi ay magkakampi, ang mga espada nilaʼy sandata ng kalupitan. Hindi ako sasáma ni dadalo sa pagtitipon nila sapagkat sa kanilang galit ay pumapatay sila ng mga tao at pinipilayan nila ang mga toro kapag gusto nila. Sinusumpa ko ang kanilang galit, dahil itoʼy malupit, at ang kanilang poot, dahil itoʼy mabagsik. Ikakalat ko sila sa angkan ni Jacob, at magkakawatak-watak sila sa buong Israel. “Ikaw Juda, pupurihin ka ng iyong mga kapatid. Ang iyong mga kaaway ay hahawakan mo sa leeg. Ang mga anak ng iyong amaʼy yuyuko saʼyo. Juda, aking anak, katulad ka ng isang batang leon na katatapos lang lumapa ng kanyang pagkain. Katulad si Juda ng leong gumagapang at humihiga, gaya ng babaeng leon na walang nagtatangkang gumambala. Ang setro ng hari ay hindi mawawala kay Juda; at ang tungkod ng pamamahala ay mananatili sa lahi niya hanggang sa dumating ang karapat-dapat mamuno at susunod sa kanya ang lahat ng bansa. Itatali niya ang kanyang asno at guya sa pinakamagandang puno ng ubas, at lalabhan niya sa alak ang kanyang mga damit Mas mapula pa kaysa sa alak ang kanyang mga mata at mas maputi kaysa sa gatas ang mga ngipin niya. “Si Zebulun ay maninirahan sa tabi ng dagat. Magiging daungan siya ng mga sasakyang pandagat. Ang lupain niya ay aabot hanggang Sidon. “Si Isacar ay katulad ng malakas na asno na nakahiga sa kulungan ng mga tupa. Nang makita niyang masagana at mainam ang kanyang lupain titiisin na lang niyang magpaalipin, kahit pa siyaʼy sapilitang pagtatrabahuhin.
Genesis 49:1-15 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ipinatawag ni Jacob ang kanyang mga anak at sinabi, “Lumapit kayo sa akin, at sasabihin ko sa inyo ang mangyayari sa inyo sa hinaharap: “Kayo mga anak, magsilapit sa akin, akong inyong ama ay sumandaling dinggin. “Si Ruben ang aking panganay na anak, sa lahat kong supling ay pinakamalakas; mapusok ang loob, baha ang katulad, bawat madaanan ay sumasambulat. Sa kabila nito'y hindi ka sisikat, hindi mangunguna, hindi matatanyag; pagkat ang ama mo ay iyong hinamak, dangal ng aliping-asawa ko ay iyong winasak. “Simeon at Levi na magkapatid, ang sandata ninyo'y ipinanlulupig; sa usapan ninyo'y di ako sasali, sa inyong gawain, hindi babahagi. Kapag nagagalit agad pumapatay, lumpo pati hayop kung makatuwaan. Kayo'y susumpain, sa bangis at galit, sa ugali ninyo na mapagmalabis; kayo'y magkawatak-watak sa buong lupain, sa buong Israel ay pangangalatin. “Ikaw naman, Juda, ay papupurihan niyong mga anak ng ina mong mahal, hawak mo sa leeg ang iyong kaaway, lahat mong kapatid sa iyo'y gagalang. Mabangis na leon ang iyong larawan, muling nagkukubli matapos pumatay; ang tulad ni Juda'y leong nahihimlay, walang mangangahas lumapit sinuman. Setrong sagisag ng lakas at kapangyarihan sa kanya kailanma'y hindi lilisan; mga bansa sa kanya'y magkakaloob, mga angkan sa kanya'y maglilingkod. Batang asno niya doon natatali, sa puno ng ubas na tanging pinili; mga damit niya'y doon nilalabhan, sa alak ng ubas na lubhang matapang. Mata'y namumula dahilan sa alak, ngipi'y pumuputi sa inuming gatas. “Sa baybaying-dagat doon ka, Zebulun, ang sasakyang-dagat sa iyo kakanlong; ang iyong lupai'y aabot sa Sidon. “Malakas na asno ang katulad mo, Isacar, ngunit sa kulungan ka maglulumagak. Nang kanyang makita iyong pahingahan, ang lupain doo'y tunay na mainam, tiniis na niyang makuba sa pasan, nagpaalipin na kahit mahirapan.
Genesis 49:1-15 TLAB (Ang Biblia)
At tinawag ni Jacob ang kaniyang mga anak, at sinabi, Magpipisan kayo, upang maisaysay ko sa inyo ang mangyayari sa inyo sa mga huling araw. Magpipisan kayo at kayo'y makinig, kayong mga anak ni Jacob; At inyong pakinggan si Israel na inyong ama. Ruben, ikaw ang aking panganay, ang aking kapangyarihan, at siyang pasimula ng aking kalakasan; Siyang kasakdalan ng kamahalan, at siyang kasakdalan ng kapangyarihan. Kumukulong parang tubig na umaawas, hindi ka magtataglay ng kasakdalan, Sapagka't, sumampa ka sa higaan ng iyong ama: Hinamak mo nga; sumampa sa aking higaan. Si Simeon at si Levi ay magkapatid; Mga almas na marahas ang kanilang mga tabak. Oh kaluluwa ko, huwag kang pumasok sa kanilang payo; Sa kanilang kapisanan, ay huwag kang makiisa, kaluwalhatian ko; Sapagka't sa kanilang galit ay pumatay ng tao: At sa kanilang sariling kalooban ay pumutol ng hita ng baka. Sumpain ang kanilang galit, sapagka't mabangis; At ang kanilang pagiinit, sapagka't mabagsik. Aking babahagihin sila sa Jacob. At aking pangangalatin sila sa Israel. Juda, ikaw ay pupurihin ng iyong mga kapatid: Ang iyong kamay ay magpapahinga sa leeg ng iyong mga kaaway: Ang mga anak ng iyong ama ay yuyukod sa harap mo. Si Juda'y isang anak ng leon, Mula sa panghuhuli, anak ko umahon ka: Siya'y yumuko, siya'y lumugmok na parang leon; At parang isang leong babae; sinong gigising sa kaniya? Ang setro ay hindi mahihiwalay sa Juda, Ni ang tungkod ng pagkapuno sa pagitan ng kaniyang mga paa, Hanggang sa ang Shiloh ay dumating; At sa kaniya tatalima ang mga bansa. Naitatali ang kaniyang batang asno sa puno ng ubas. At ang guya ng kaniyang asno sa puno ng piling ubas; Nilabhan niya ang kaniyang suot sa alak, At ang kaniyang damit sa katas ng ubas. Ang kaniyang mga mata ay mamumula sa alak, At ang kaniyang mga ngipin ay mamumuti sa gatas. Si Zabulon ay tatahan sa daongan ng dagat: At siya'y magiging daongan ng mga sasakyan; At ang kaniyang hangganan ay magiging hanggang Sidon. Si Issachar ay isang malakas na asno, Na lumulugmok sa gitna ng mga tupahan: At nakakita siya ng dakong pahingahang mabuti, At ng lupang kaayaaya; At kaniyang iniyukod ang kaniyang balikat upang pumasan, At naging aliping mangaatag.
Genesis 49:1-15 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))