Mga Hebreo 2:14
Mga Hebreo 2:14 Ang Salita ng Dios (ASND)
At yamang ang mga anak ng Dios na binanggit niya ay mga taong may laman at dugo, naging tao rin si Jesus upang sa pamamagitan ng kanyang kamatayan ay malupig niya ang diyablo na siyang may kapangyarihan sa kamatayan.
Mga Hebreo 2:14 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Dahil sa ang mga anak na tinutukoy niya ay tao, naging tao rin si Jesus at tulad nila'y may laman at may dugo. Ginawa niya ito upang sa pamamagitan ng kanyang kamatayan ay mawasak niya ang kapangyarihan ng diyablo na siyang may kapangyarihan sa kamatayan.
Mga Hebreo 2:14 Ang Biblia (TLAB)
Dahil sa ang mga anak ay mga may bahagi sa laman at dugo, siya nama'y gayon ding nakabahagi sa mga ito; upang sa pamamagitan ng kamatayan ay kaniyang malipol yaong may paghahari sa kamatayan, sa makatuwid ay ang diablo
Mga Hebreo 2:14 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)