Mga Hebreo 8:10
Mga Hebreo 8:10 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ganito ang gagawin kong kasunduan sa bayan ng Israel pagdating ng panahon, sabi ng Panginoon: Itatanim ko sa kanilang pag-iisip ang aking mga utos; isusulat ko ito sa kanilang puso. Ako ang kanilang magiging Diyos, at sila ang aking magiging bayan.
Mga Hebreo 8:10 Ang Salita ng Dios (ASND)
Sinabi pa ng Panginoon, “Ito ang bagong kasunduan na gagawin ko sa mga mamamayan ng Israel pagdating ng araw na iyon: Itatanim ko sa isipan nila ang mga utos ko, at isusulat ko ang mga ito sa mga puso nila. Ako ang magiging Dios nila, at sila naman ang magiging bayan ko.
Mga Hebreo 8:10 Ang Biblia (TLAB)
Sapagka't ito ang pakikipagtipang aking gagawin sa sangbahayan ni Israel Pagkatapos ng mga araw na yaon, sinasabi ng Panginoon; Ilalagay ko ang aking mga kautusan sa kanilang pagiisip, At sa kanilang mga puso'y aking isusulat ang mga ito. At ako'y magiging Dios nila, At sila'y magiging bayan ko
Mga Hebreo 8:10 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ganito ang gagawin kong kasunduan sa bayan ng Israel pagdating ng panahon, sabi ng Panginoon: Itatanim ko sa kanilang pag-iisip ang aking mga utos; isusulat ko ito sa kanilang puso. Ako ang kanilang magiging Diyos, at sila ang aking magiging bayan.
Mga Hebreo 8:10 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)