Hosea 6:3
Hosea 6:3 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Halikayo't kilalanin natin si Yahweh, sikapin nating siya'y makilala. Kasintiyak ng pagdating ng bukang-liwayway, darating siyang walang pagsala, tulad ng patak ng ulan sa panahon ng taglamig, tulad ng tubig-ulan na nagpapasibol sa mga halaman.”
Hosea 6:3 Ang Salita ng Dios (ASND)
Pagsikapan nating makilala ang PANGINOON. Siyaʼy tiyak na darating, kasintiyak ng pagsikat ng araw. Darating siya na parang ulan na didilig sa mga lupain.”
Hosea 6:3 Ang Biblia (TLAB)
At ating kilalanin, tayo'y magpatuloy upang makilala ang Panginoon: ang kaniyang paglabas ay tunay na parang umaga; at siya'y paririto sa atin na parang ulan, na parang huling ulan na dumidilig ng lupa.
Hosea 6:3 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)