Logo ng Bible App
Hanapin ang Icon

Hosea 9:10 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon

Hosea 9:10 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

“Ang Israel ay tulad ng mga ubas sa ilang, gayon sila noong una kong matagpuan. Parang unang bunga ng puno ng igos, nang makita ko ang iyong mga magulang. Ngunit nang magpunta sila sa Baal-peor, sila'y naglingkod sa diyus-diyosang si Baal, at naging kasuklam-suklam gaya ng diyus-diyosang kanilang inibig.

Hosea 9:10 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Sinabi ng PANGINOON, “Mga taga-Israel, noong piliin ko ang mga ninuno ninyo na maging mamamayan, tuwang-tuwa ako. Gaya ng taong tuwang-tuwa nang makakita ng ubas na tumubo sa disyerto o nang makakita ng unang bunga ng puno ng igos. Ngunit nang pumunta sila sa Baal Peor, itinalaga nila ang kanilang sarili sa mga nakakasuklam na diyos-diyosan, at naging gaya sila ng mga kasuklam-suklam na diyos-diyosang iyon na kanilang iniibig.

Hosea 9:10 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

“Ang Israel ay tulad ng mga ubas sa ilang, gayon sila noong una kong matagpuan. Parang unang bunga ng puno ng igos, nang makita ko ang iyong mga magulang. Ngunit nang magpunta sila sa Baal-peor, sila'y naglingkod sa diyus-diyosang si Baal, at naging kasuklam-suklam gaya ng diyus-diyosang kanilang inibig.

Hosea 9:10 TLAB (Ang Biblia)

Aking nasumpungan ang Israel na parang ubas sa ilang; aking nakita ang inyong mga magulang na parang unang bunga sa puno ng higos sa kaniyang unang kapanahunan: nguni't sila'y nagsiparoon kay Baalpeor, at nangagsitalaga sa mahalay na bagay, at naging kasuklamsuklam na gaya ng kanilang iniibig.

Hosea 9:10 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))