Isaias 11:6
Isaias 11:6 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
At ang lobo ay tatahang kasama ng kordero, at ang leopardo ay mahihigang kasiping ng batang kambing; at ang guya, at ang batang leon, at ang patabain na magkakasama; at papatnubayan sila ng munting bata.
Ibahagi
Basahin Isaias 11Isaias 11:6 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Maninirahan ang asong-gubat sa piling ng kordero, mahihiga ang leopardo sa tabi ng batang kambing, magkasamang manginginain ang guya at ang batang leon, at ang mag-aalaga sa kanila'y isang batang paslit.
Ibahagi
Basahin Isaias 11Isaias 11:6 Ang Salita ng Dios (ASND)
Magiging lubos ang kapayapaan sa kanyang paghahari. Ang asong lobo ay maninirahang kasama ng tupa. Mahihigang magkakasama ang kambing at leopardo. Magsasama ang guya at batang leon, at ang mag-aalaga sa kanila ay mga batang paslit.
Ibahagi
Basahin Isaias 11