Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Isaias 2:10-22

Isaias 2:10-22 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)

Magtatago sila sa mga yungib na bato at sa mga hukay upang makaiwas sa poot ni Yahweh, at sa kaluwalhatian ng kanyang karangalan. Pagdating ng araw ni Yahweh, ang mga palalo ay kanyang wawakasan, itong mga mayayabang, kanya ring paparusahan; pagkat si Yahweh lamang ang bibigyang kadakilaan. Sapagkat si Yahweh na Makapangyarihan sa lahat ay may itinakdang araw, laban sa lahat ng palalo at mayabang, laban sa lahat ng mapagmataas; laban sa lahat ng nagtataasang sedar ng Lebanon, at laban sa lahat ng malalaking punongkahoy sa Bashan; laban sa lahat ng matataas na bundok at mga burol; laban sa lahat ng matataas na tore at matitibay na pader; laban sa mga malalaking barko, at magagandang sasakyang dagat. Pagdating ng araw na iyon, ang mga palalo ay papahiyain, at ang mga maharlika, ay pababagsakin, pagkat si Yahweh lamang ang dapat dakilain, at mawawala ang lahat ng diyus-diyosan. Magtatago ang mga tao sa mga yungib na bato at sa mga hukay sa lupa, upang kanilang matakasan ang poot ni Yahweh; at ang kaluwalhatian ng kanyang karangalan, kapag siya'y nagbangon upang sindakin ang daigdig. Sa araw na iyon, itatapon nila sa mga daga at paniki, ang mga rebultong yari sa ginto at pilak na ginawa nila upang kanilang sambahin. Magtatago sila sa mga yungib na bato at sa mga bitak ng matatarik na burol, upang kanilang matakasan ang poot ni Yahweh at ang kaluwalhatian ng kanyang karangalan, kapag siya'y nagbangon upang sindakin ang daigdig. Huwag ka nang magtitiwala sa kapangyarihan ng tao. Siya ay hininga lamang, at tiyak maglalaho. Ano nga ba ang maitutulong niya sa iyo?

Isaias 2:10-22 Ang Biblia (TLAB)

Pumasok ka sa malaking bato, at magkubli ka sa alabok, sa kakilabutan sa Panginoon, at sa kaluwalhatian ng kaniyang kamahalan. Ang mga tinging mapagmataas ng tao ay mabababa, at ang mga pagmamataas ng mga tao ay mahuhutok, at ang Panginoon magisa ay mabubunyi sa kaarawang yaon. Sapagka't magkakaroon ng isang kaarawan ang Panginoon ng mga hukbo sa lahat na palalo at mapagmataas, at sa lahat na nagmamataas; at yao'y mabababa: At sa lahat ng cedro ng Libano, na matayog at mataas, at sa lahat ng encina ng Basan; At sa lahat ng matataas na bundok, at sa lahat ng mga burol na nangataas; At sa bawa't matayog na moog, at sa bawa't kutang nababakod: At sa lahat ng mga sasakyang dagat ng Tarsis, at sa lahat ng maligayang bagay. At ang kahambugan ng tao ay huhutukin, at ang mga pagmamataas ng mga tao ay mabababa: at ang Panginoon magisa ay mabubunyi sa kaarawang yaon. At ang mga diosdiosan ay mapapawing lubos. At ang mga tao ay magsisipasok sa mga yungib ng malalaking bato, at sa mga puwang ng lupa, sa harap ng kakilabutan sa Panginoon, at sa kaluwalhatian ng kaniyang kamahalan, pagka siya'y bumangon upang yaniging may kapangyarihan ang lupa. Sa kaarawang yaon ay ihahagis ng mga tao ang kanilang mga diosdiosang pilak, at ang kanilang mga diosdiosang ginto, na kanilang ginawa upang sambahin, sa yungib ng mga bilig at ng mga paniki; Upang pumasok sa mga puwang ng malalaking bato, at sa mga bitak ng mga malaking bato, sa harap ng kakilabutan sa Panginoon, at sa kaluwalhatian ng kaniyang kamahalan, pagka siya'y bumangon upang yaniging may kapangyarihan ang lupa. Layuan ninyo ang tao, na ang hinga ay nasa kaniyang mga butas ng ilong: sapagka't sa ano pahahalagahan siya?

Isaias 2:10-22 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)

Isaias 2:10-22 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)