Isaias 25:6
Isaias 25:6 Ang Salita ng Dios (ASND)
Dito sa Bundok ng Zion, ang PANGINOONG Makapangyarihan ay maghahanda ng isang piging para sa lahat. Masasarap na pagkain at inumin ang kanyang inihanda.
Isaias 25:6 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sa Bundok ng Zion, aanyayahan ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat ang lahat ng bansa para sa isang malaking handaan. Pinakamasasarap na pagkain at alak ang kanyang ipinahanda.
Isaias 25:6 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sa Bundok ng Zion, aanyayahan ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat ang lahat ng bansa para sa isang malaking handaan. Pinakamasasarap na pagkain at alak ang kanyang ipinahanda.
Isaias 25:6 Ang Biblia (TLAB)
At sa bundok na ito ay gagawa ang Panginoon ng mga hukbo sa lahat ng mga bayan, ng isang kapistahan ng mga matabang bagay, ng isang kapistahan ng mga alak na laon, ng mga matabang bagay na puno ng utak, ng mga alak na laon na totoong sala.
Isaias 25:6 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)