Isaias 25:7-9
Isaias 25:7-9 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sa bundok ding ito'y papawiin niya ang ulap ng kalungkutang naghahari sa lahat ng bansa. Lubusan nang pupuksain ng Panginoong Yahweh ang kamatayan, at papahirin ang mga luha sa kanilang mga mata. Aalisin niya sa kahihiyan ang kanyang bayan. Sasabihin ng lahat sa araw na iyon: “Siya ang hinihintay nating Diyos na sa ati'y magliligtas, siya si Yahweh na ating inaasahan. Magalak tayo at magdiwang, sapagkat tayo'y kanyang iniligtas.”
Isaias 25:7-9 Ang Salita ng Dios (ASND)
At sa bundok ding ito, papawiin niya ang kalungkutan ng mga tao sa lahat ng bansa. Aalisin din ng Panginoong DIOS ang kamatayan at papahirin niya ang mga luha ng lahat ng tao. Aalisin niya ang kahihiyan ng kanyang mga mamamayan sa buong mundo. Mangyayari nga ito dahil sinabi mismo ng PANGINOON. Kapag itoʼy nangyari na, sasabihin ng mga tao, “Siya ang ating Dios! Nagtiwala tayo sa kanya, at iniligtas niya tayo. Siya ang PANGINOON na ating inaasahan. Magalak tayoʼt magdiwang dahil iniligtas niya tayo.”
Isaias 25:7-9 Ang Biblia (TLAB)
At kaniyang aalisin sa bundok na ito ang takip na nalagay sa lahat ng mga bayan, at ang lambong na naladlad sa lahat na bansa. Sinakmal niya ang kamatayan magpakailan man; at papahirin ng Panginoong Dios ang mga luha sa lahat ng mga mukha; at ang kakutyaan ng kaniyang bayan ay maaalis sa buong lupa: sapagka't sinalita ng Panginoon. At sasabihin sa araw na yaon, Narito, ito'y ating Dios; hinintay natin siya, at ililigtas niya tayo: ito ang Panginoon; ating hinintay siya, tayo'y matutuwa at magagalak sa kaniyang pagliligtas.
Isaias 25:7-9 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sa bundok ding ito'y papawiin niya ang ulap ng kalungkutang naghahari sa lahat ng bansa. Lubusan nang pupuksain ng Panginoong Yahweh ang kamatayan, at papahirin ang mga luha sa kanilang mga mata. Aalisin niya sa kahihiyan ang kanyang bayan. Sasabihin ng lahat sa araw na iyon: “Siya ang hinihintay nating Diyos na sa ati'y magliligtas, siya si Yahweh na ating inaasahan. Magalak tayo at magdiwang, sapagkat tayo'y kanyang iniligtas.”
Isaias 25:7-9 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)