Isaias 30:18
Isaias 30:18 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ngunit si Yahweh ay naghihintay upang tulungan kayo at kahabagan; sapagkat si Yahweh ay Diyos na makatarungan; mapalad ang lahat ng nagtitiwala sa kanya.
Isaias 30:18 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ngunit si Yahweh ay naghihintay upang tulungan kayo at kahabagan; sapagkat si Yahweh ay Diyos na makatarungan; mapalad ang lahat ng nagtitiwala sa kanya.
Isaias 30:18 Ang Salita ng Dios (ASND)
Pero naghihintay ang PANGINOON na kayoʼy lumapit sa kanya para kaawaan niya. Nakahanda siyang ipadama sa inyo ang kanyang pagmamalasakit. Sapagkat ang PANGINOON ay Dios na makatarungan, at mapalad ang nagtitiwala sa kanya.
Isaias 30:18 Ang Biblia (TLAB)
At dahil dito maghihintay ang Panginoon, upang siya'y maging mapagbiyaya sa inyo, at kaya't mabubunyi siya, na siya'y magdadalang habag sa inyo: sapagka't ang Panginoon ay Dios ng kahatulan; mapapalad yaong lahat na nangaghihintay sa kaniya.
Isaias 30:18 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)