Logo ng Bible App
Hanapin ang Icon

Isaias 40:1-5 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon

Isaias 40:1-5 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

“Aliwin ninyo ang aking bayan,” sabi ng Diyos. “Aliwin ninyo sila! Inyong ibalita sa mga taga-Jerusalem, tapos na ang kanilang pagdurusa sapagkat nabayaran na nila ng lubos ang kasalanang ginawa nila sa akin.” Ganito ang isinisigaw ng isang tinig: “Ihanda ninyo ang daraanan ni Yahweh sa ilang; gumawa kayo ng mga tuwid na landas na kanyang lalakaran sa ilang. Tambakan ang mga libis, patagin ang mga burol at bundok, at pantayin ang mga baku-bakong daan. Mahahayag ang kaluwalhatian ni Yahweh, at makikita ito ng lahat ng tao. Si Yahweh mismo ang nagsabi nito.”

Isaias 40:1-5 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Sinabi ng Diyos, “Palakasin at pagaanin ninyo ang loob ng aking mga mamamayan. Magsalita kayo nang mahinahon sa mga taga-Jerusalem. Sabihin ninyo sa kanila na tapos na ang paghihirap nila, at pinatawad na ang kanilang mga kasalanan. Sapagkat pinarusahan sila ng PANGINOON nang husto sa lahat ng kasalanan nila.” May sumisigaw na nagsasabi, “Ihanda ninyo ang daan sa ilang para sa PANGINOON; tuwirin ninyo ang landas sa disyerto para sa ating Diyos. Tambakan ninyo ang mga mababang lugar, patagin ang mga bundok at burol, at pantayin ang mga baku-bakong daan. Mahahayag ang kaluwalhatian ng PANGINOON, at makikita ito ng lahat ng tao. Mangyayari nga ito sapagkat ang PANGINOON ang nagsasabi nito.”

Isaias 40:1-5 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

“Aliwin ninyo ang aking bayan,” sabi ng Diyos. “Aliwin ninyo sila! Inyong ibalita sa mga taga-Jerusalem, tapos na ang kanilang pagdurusa sapagkat nabayaran na nila ng lubos ang kasalanang ginawa nila sa akin.” Ganito ang isinisigaw ng isang tinig: “Ihanda ninyo ang daraanan ni Yahweh sa ilang; gumawa kayo ng mga tuwid na landas na kanyang lalakaran sa ilang. Tambakan ang mga libis, patagin ang mga burol at bundok, at pantayin ang mga baku-bakong daan. Mahahayag ang kaluwalhatian ni Yahweh, at makikita ito ng lahat ng tao. Si Yahweh mismo ang nagsabi nito.”

Isaias 40:1-5 TLAB (Ang Biblia)

Inyong aliwin, inyong aliwin ang aking bayan, sabi ng inyong Dios. Mangagsalita kayong may pagaliw sa Jerusalem; at sigawan ninyo siya, na ang kaniyang pakikipagdigma ay naganap, na ang kaniyang kasamaan ay ipinatawad, sapagka't siya'y tumanggap sa kamay ng Panginoon ng ibayong ukol sa kaniyang lahat na kasalanan. Ang tinig ng isang sumisigaw, Ihanda ninyo sa ilang ang daan ng Panginoon pantayin ninyo sa ilang ang lansangan para sa ating Dios. Bawa't libis ay mataas, at bawa't bundok at burol ay mabababa; at ang mga bakobako ay matutuwid, at ang mga hindi pantay na dako ay mapapatag: At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay mahahayag, at makikitang magkakasama ng lahat na tao, sapagka't sinalita ng bibig ng Panginoon

Isaias 40:1-5 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))