Isaias 58:13-14
Isaias 58:13-14 Ang Biblia (TLAB)
Kung iyong iurong ang iyong paa sa sabbath, sa paggawa ng iyong kalayawan sa aking banal na kaarawan; at iyong tawagin ang sabbath na kaluguran, at ang banal ng Panginoon na marangal; at iyong pararangalan, na hindi ka lalakad sa iyong mga sariling lakad, ni hahanap ng iyong sariling kalayawan, ni magsasalita ng iyong mga sariling salita: Kung magkagayo'y malulugod ka nga sa Panginoon; at pangangabayuhin kita sa mga mataas na dako sa lupa; at pakakanin kita ng mana ni Jacob na iyong ama; sapagka't sinalita ng bibig ng Panginoon.
Isaias 58:13-14 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sinabi pa ni Yahweh, “Inyong igagalang ang takdang Araw ng Pamamahinga, huwag kayong gagawa para sa pansariling kapakanan sa araw na banal. Sa araw na ito'y mamamahinga kayo at huwag maglalakbay, o gagawa o mag-uusap ng tungkol sa mga bagay na walang kabuluhan. At kung magkagayon, madarama ninyo ang kagalakan ng paglilingkod sa akin. Bibigyan ko kayo ng karangalan sa harap ng buong daigdig; at tatamasahin ninyo ang kaligayahan habang naninirahan sa lupaing ibinigay ko sa ninuno ninyong si Jacob. Mangyayari ito sapagkat akong si Yahweh ang nagsabi nito.”
Isaias 58:13-14 Ang Salita ng Dios (ASND)
“Alalahanin ninyo ang Araw ng Pamamahinga. Huwag ninyong iisipin ang pansarili ninyong kapakanan sa natatanging araw na iyon. Ipagdiwang ninyo ang Araw ng Pamamahinga, at parangalan nʼyo ito sa pamamagitan ng pagpipigil sa mga sarili ninyong kagustuhan at kaligayahan, at pagtigil sa pagsasalita nang walang kabuluhan. Kapag ginawa ninyo ito, magiging maligaya kayo sa inyong paglilingkod sa akin. Pararangalan ko kayo sa buong mundo. Pasasaganain ko ang ani ng lupaing inyong minana sa inyong ninunong si Jacob.” Mangyayari nga ito dahil sinabi ng PANGINOON.
Isaias 58:13-14 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sinabi pa ni Yahweh, “Inyong igagalang ang takdang Araw ng Pamamahinga, huwag kayong gagawa para sa pansariling kapakanan sa araw na banal. Sa araw na ito'y mamamahinga kayo at huwag maglalakbay, o gagawa o mag-uusap ng tungkol sa mga bagay na walang kabuluhan. At kung magkagayon, madarama ninyo ang kagalakan ng paglilingkod sa akin. Bibigyan ko kayo ng karangalan sa harap ng buong daigdig; at tatamasahin ninyo ang kaligayahan habang naninirahan sa lupaing ibinigay ko sa ninuno ninyong si Jacob. Mangyayari ito sapagkat akong si Yahweh ang nagsabi nito.”
Isaias 58:13-14 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)