Isaias 65:22
Isaias 65:22 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Sila'y hindi magtatayo, at iba ang tatahan; sila'y hindi magtatanim, at iba ang kakain; sapagka't kung paano ang mga kaarawan ng punong kahoy, ay magiging gayon ang mga kaarawan ng aking bayan, at ang aking mga pinili ay mangagagalak na malaon sa gawa ng kanilang mga kamay.
Isaias 65:22 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Hindi tulad noong una, sa bahay na ginawa'y iba ang tumira. Sa tanim na halama'y iba ang nakinabang. Tulad ng punongkahoy hahaba ang buhay ng aking mga hirang, lubos nilang papakinabangan ang kanilang pinagpaguran.
Isaias 65:22 Ang Salita ng Dios (ASND)
Hindi na ang mga kaaway nila ang makikinabang sa kanilang mga bahay at mga tanim. Sapagkat kung papaanong ang punongkahoy ay nabubuhay nang matagal, ganoon din ang aking mga mamamayan at lubos nilang pakikinabangan ang kanilang pinaghirapan.
Isaias 65:22 Ang Biblia (TLAB)