Santiago 3:1-4
Santiago 3:1-4 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Mga kapatid, hindi dapat na maging guro ang marami sa inyo, dahil alam ninyo na tayong mga nagtuturo ay hahatulan nang mas mahigpit kaysa iba. Tayong lahat ay nagkakamali sa iba't ibang paraan. Ang sinumang hindi nagkakamali sa kanyang pananalita ay isang taong ganap at marunong magpigil sa sarili. Kapag nilagyan ng pakagat ang bibig ng kabayo, ito'y napapasunod natin at napapabaling saanman natin naisin. Tingnan ninyo ang barko, kahit na ito'y napakalaki at itinutulak ng malalakas na hangin, ay naibabaling saanman naisin ng piloto sa pamamagitan ng napakaliit na timón.
Santiago 3:1-4 Ang Salita ng Dios (ASND)
Mga kapatid, huwag basta-bastang maghangad na maging tagapagturo ang marami sa inyo, dahil alam ninyong mas mabigat ang paghatol sa aming mga nagtuturo. Lahat tayo ay madalas magkamali. Kung mayroon mang hindi nagkakamali sa pananalita niya, isa siyang taong ganap at may kakayahang pigilin ang kanyang sarili. Nirerendahan natin ang mga kabayo para sumunod saan man natin gustong papuntahin. Isipin nʼyo rin ang mga barko na kahit napakalaki at itinutulak ng malakas na hangin ay napapabaling ng maliit na timon at napapapunta ng kapitan saan man niya gustuhin.
Santiago 3:1-4 Ang Biblia (TLAB)
Huwag maging guro ang marami sa inyo, mga kapatid ko, yamang nalalamang tayo'y tatanggap ng lalong mabigat na hatol. Sapagka't sa maraming mga bagay tayong lahat ay nangatitisod. Kung ang sinoman ay hindi natitisod sa salita, ay isang taong sakdal ang gayon, may kaya rin namang makapigil ng buong katawan. Kung atin ngang inilalagay ang mga preno ng kabayo sa kanilang mga bibig, upang tayo'y talimahin, ay ibinabaling din naman natin ang kanilang buong katawan. Narito, ang mga daong naman, bagama't lubhang malalaki at itinutulak ng malalakas na hangin, gayon ma'y sa pamamagitan ng isang lubhang maliit na ugit ay napapabaling kung saan ibig ng tagaugit.
Santiago 3:1-4 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Mga kapatid, hindi dapat na maging guro ang marami sa inyo, dahil alam ninyo na tayong mga nagtuturo ay hahatulan nang mas mahigpit kaysa iba. Tayong lahat ay nagkakamali sa iba't ibang paraan. Ang sinumang hindi nagkakamali sa kanyang pananalita ay isang taong ganap at marunong magpigil sa sarili. Kapag nilagyan ng pakagat ang bibig ng kabayo, ito'y napapasunod natin at napapabaling saanman natin naisin. Tingnan ninyo ang barko, kahit na ito'y napakalaki at itinutulak ng malalakas na hangin, ay naibabaling saanman naisin ng piloto sa pamamagitan ng napakaliit na timón.
Santiago 3:1-4 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)