Mga Hukom 2:18
Mga Hukom 2:18 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
At nang ipagbangon sila ng Panginoon ng mga hukom, ang Panginoon ay suma hukom, at iniligtas sila sa kamay ng kanilang mga kaaway sa lahat ng mga araw ng hukom: sapagka't nagsisi ang Panginoon dahil sa kanilang daing, dahil doon sa mga pumighati sa kanila at nagpakalupit sa kanila.
Mga Hukom 2:18 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Lahat naman ng hukom na isinugo ni Yahweh ay pinatnubayan niya at iniligtas niya ang Israel sa mga kaaway habang nabubuhay ang hukom. Kinaawaan sila ni Yahweh dahil sa kanilang mga daing bunga ng hirap na dinaranas nila.
Mga Hukom 2:18 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ang lahat na pinunong ibinigay ng PANGINOON sa kanila ay tinulungan niya. At habang buhay ang pinuno nila, inililigtas sila ng PANGINOON sa kanilang mga kaaway. Sapagkat naaawa siya sa kanila dahil sa mga pagtitiis nila sa mga nanggigipit at nagpapahirap sa kanila.
Mga Hukom 2:18 Ang Biblia (TLAB)