Jeremias 1:19
Jeremias 1:18-19 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Subalit pakinggan mo itong mabuti, Jeremias! Ang bawat isa sa buong Juda—kasama na ang mga hari, mga pinuno, mga pari, at ang buong bayan—ay kakalabanin ka. Ngunit hindi sila magtatagumpay. Magiging sintatag ka ng isang lunsod na ligtas sa anumang panganib, sintibay ng haliging bakal o pader na tanso. Hindi ka nila matatalo sapagkat iingatan kita. Akong si Yahweh ang nagsasabi nito.”
Jeremias 1:19 Ang Salita ng Dios (ASND)
Kakalabanin ka nila, pero hindi ka nila matatalo, dahil sasamahan at tutulungan kita. Ako, ang PANGINOON, ang nagsasabi nito.”
Jeremias 1:19 Ang Biblia (TLAB)
At sila'y magsisilaban sa iyo; nguni't hindi sila mangananaig laban sa iyo: sapagka't ako'y sumasa iyo, sabi ng Panginoon, upang iligtas ka.
Jeremias 1:18-19 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)